Page 34

493 13 0
                                    

Page 34

Just look at me



"Pwede ko bang itanong?"

Mula sa pagkain ay nag-angat ako ng tingin. Nasalubong ko agad ang titig ni Em.

"Ano yun?"

"Kayo na ba ni Lawrence?" Ipinilig niya pa ng konti ang kanyang ulo.

Bahadya akong natigilan. Kitang kita ko sa mga mata niya ang curiousity kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Iyong ngiti biglang naging ngisi. "Bakit curious ka?"

Sumimangot tuloy siya. "Tinatanong kaya kita. Bakit ka natatawa?"

Nakatawang umiling ako. "Wala. Wala."

"Hindi nga? Gusto ko lang malaman." Inis na yung tingin niya.

"May crush ka ba kay Lawrence?"

Muntik na siyang masamid. "Wala noh! Gusto ko lang malaman. Nagtatanong lang, crush agad. Grabe naman." 

Lalo lang akong napangisi. "Wala. Natatawa ako kasi yung mukha mo. Sobrang curious."

"Baliw ka noh!" Mahinang singhal niya.

Hindi niya ko masigawan kasi nasa public place kami. Sa mall in particular. Nag-kaayaan kasi kami na sa mall kumain para di na magluto. Wala si Bea dahil may in-attendan na reunion.

Hindi na nawala ang ngisi ko. Kasi naman.... kasi.... alam ko yung mga tipo ni Em. Yung tipo niya ay katulad ng datingan ni Lawrence. Misteryoso, tahimik na type na lalake. Gentleman at gwapo.

"Aisht! 'Di na nga ako magtatanong sa 'yo." Sinamahan iyon ng irap ni Em atsaka tumingin sa pagkaing nasa harap.

"Sus!" Mahinang hagikgik ko. I decided to answer her question na. "Hindi kami. Friends lang kami nun."

She pout. Tinignan niya ako at sandaling nag-isip. "Eh, bakit lagi kayong magkasama?"

"Syempre, nasa iisang kumpanya kami. Saka, kasama din namin lagi si Ysmael noh."

"Kahit wala na kayo ni Heaven, friends pa rin sila sa'yo?"

"Kami ni Heaven ang naghiwalay. Hindi ibig sabihin nun ay nakipaghiwalay na rin ako sa friendship sa dalawang yun. Wala naman silang ginawang masama." Nakangiting ani ko.

"I see." Tango niya.

"Atsaka, may utang ako sa kanila di ba?"

"Anong utang?" Kunot noo ni Em.

"Remember? In-ask nila ako na tulungang magbago ng ugali si Heaven? Pero hindi ko yun magawa."

"Hindi mo naman kasalanan yun."

"Still. Nakakalungkot pa rin."

"Hayaan mo. Makakahanap din ng katapat yang si Heaven." Ngumiti siya sa akin.

Huminga ako ng malalim at matipid na ngumiti.  "Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng ibang kaibigan maliban sa inyo at kay Tina. Specially, mga lalake pa. Gusto kong maging forever yun."

"Kasi nga.... " si Em.

"Sa friendship lang may forever." Sabay naming sabi. Nagkatawanan kami after.

"Hindi ka pa ba kinakausap ni Heaven?"

Umiling ako ng mahina. "Nope."

Mahina siyang napapiksi. "Grabe. Ang taas ng pride niya ah. It's not like ikaw yung may kasalanan. Bakit siya ang nagmamatigas?"

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon