Page 66

400 12 0
                                    

Page 66

Thank you


MALAKAS ANG ingay sa labas nang simbahan at lahat halos nang tao ay nasa plaza at patio. Sa gilid ay maraming mga nagtitinda nang iba't ibang pagkain. May mga damit, gamit at laruan.

Maaga ang naging call time namin.  Alas-nuebe ng umaga pa ang misa pero  alas-syete pa lamang ay nasa simbahan na kami. Nasa likod na bahagi kami ng simbahan dahil wala nang room para paghintayan at meron pang on-going mass na nagaganap.

"Mamaya na ako babawi nang kain kapag natapos na ang mass."        Nakatawang wika ni Yumi nang iabot niya sa akin ang isang bottled water.

"May handaan ba sa inyo? Doon tayo."      Nakangiting wika ko.

"Walang handa pero nagluto si Lola ng suman na paborito mo."  

"Love na love na ko ng Lola mo."      Natawa naman ako.

"Naku! Gusto ka na nga nung ampunin kung alam mo lang. Sandali--"         hindi naman masyadong excited si Yumi sa magaganap.       "Darating daw sina Sister. Kaya kelangan galingan natin."

"Naman. Parang wala kang bilib sa mga bata."

"Kung sabagay. Sana lang pinayagan si Evette noh? Sayang talaga ang batang iyon."        Umiling iling si Yumi.

Kahit ako ay napailing nang maalala iyon.  Alam ko na nagawa ko ang part ko upang baguhin ang isip ni Mang Gino pero siguro hindi naging sapat. Siguro himala na lang din ang magiging dasal namin para mapapunta si Evette.

"Hello?"    

Sabay kaming napalingon ni Yumi nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Si Xyrus. Nakangiti siyang lumapit sa amin.

"All set and ready na hah."      Aniya at inakbayan pa ako.

Ngumiti ako sa kanya.

"Oi, braso mo? Mamaya makita ka ni Boss?"       Puna sa kanya ni Yumi saka humagikgik.

Natawa naman si Xyrus at ako naman ang nagtaka.      "Wala si Boss. Mamaya pa yun. Baka natanghali nang gising."

"Sino si Boss?"     Nagtataka ko silang tinignan na dalawa.

"Si Vann. Sino pa nga ba?"     Nakangising sagot ni Yumi.      "Parang 'di mo pa alam. Parang Boss yun eh."

"Ahh...."     napatango ako.

"Okay lang, Leia? Nandito na naman ako. Proxy muna ako habang wala pa siya." 

Tinignan ko si Xyrus na salubong ang mga kilay.       "Hah?  Ewan ko. Ano bang ibig mong sabihin?"

"Grabe sya!"      Sabay halakhak ni Xyrus.

Lumipas pa ang oras at twenty minutes na lang bago ang high mass. Pumasok na kami sa loob ng simbahan para makapaghanda.

"Teacher Leia?!"        May boses biglang tumawag sa akin habang papasok na ako ng simbahan at laking gulat ko nang makilala ko kung sino iyon paglingon ko.

"Evette?"     Mabilis itong nakalapit sa pwesto ko at yumakap sa akin. Mahigpit ko din siyang niyakap pabalik.        "Evette, buti nakarating ka."

Nag-angat siya nang tingin at nakita ko ang mumunting luha na namumuo sa kanyang mga mata.        "Opo. Pinayagan po ako ni Tatay. Makakanta po ba 'ko?"

Tumango ako agad.      "Oo naman."     Hinaplos ko ang kanyang pisngi at ngumiti.       "Salamat at narito ka. Kasama mo ba si Tatay mo?"

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon