Page 78

410 12 0
                                    

Page 78

Admit

[Leia]

MABAGAL akong humakbang pababa ng hagdanan. Nakita ko si Tatay na nasa harap ng lababo at nag-uurong ng mga pinggan at baso. Si Lana ay nasa may sofa at abala sa kanyang laptop. Nang marating ko ang dulo ng hagdan ay saka lang ako nilingon ni Lana.

"Uy, Ate. Ngayon ka lang nagising?"

Kagigising ko lang. Lutang na lutang pa ang isip ko at nanlalata ako ng sobra.

Tinignan ko yung orasan na nakasabit sa haligi ng bahay. Nanliliit ang mga mata ko sa pagtingin doon pero hindi ko pa rin makita.

"Past 12 na." Wika ni Lana saka nagkibit balikat. "Kanina pa rin may tumatawag sa phone mo ah."

"Nakita ko nga." Yun na lang ang nasabi ko.

Si Vann yung tumatawag na sinasabi ni Lana. He was worried dahil hindi daw ako nagre reply sa mga text messages niya. Well, hindi nga ako makakareply since tulog pa nga ako.

Wala siya sa Manila ngayon. One week siyang nasa isang business conference sa Cebu at kanina lamang siya umalis. Alam ko dahil magkasama kami kagabi. Pero hindi na ako nagpilit na sumama na ihatid siya dahil ayaw niya.

Mukhang malaki ang inaasahan ng Daddy niya sa kanya.

Pumunta ako sa maliit na kusinang karugtong lamang ng salas kung nasaan si Lana. Kumuha ako ng malamig na pitsel ng tubig sa ref. at inilapag sa lamesa.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Tatay. Nasa tabi ko na pala siya at nag-aabot ng baso sa akin.

"Thanks po." Pilit akong ngumiti at tinanggap yung inaabot niya.

"May masakit ba sa yo? Bukas pumunta agad tayo ng ospital kung gusto mo." Matiim niya akong tinitigan.

"Magaling na po ako, 'tay. Wag po kayong mag-alala."

Umiling siya at huminga ng malalim. "Mabuti ng maingat. Syangapala.... sino yung naghatid sa'yo kagabi?"

"Ho?" Napatingin na ko kay Tatay. "Si Vann po."

"Vann?"

"Boyfriend mo ba yun, Ate?" Nakikinig pala sa usapan namin si Lana.

Alanganin akong tumango.

"Akala ko kayo ni Heaven?" Umiwas ng tingin si Tatay at naglakad papunta sa salas. Naupo siya sa pang-isahang sofa na nasa kanan ni Lana.

"Magkaibigan po kami ni Heaven." Mahinang wika ko. Mariin akong napapikit dahil sa biglang munting kirot sa aking ulo.

Nahihilo 'ata ako.

"Akala ko lang naman." Ani Tatay. "Pursigido din kasi ang isang iyon."

"Oo nga, ate. Ayaw mo na?" Makahulugang tanong ni Lana.

Nagmulat ako at umiling agad. "Hindi sa ayaw ko na sa kanya. Magkaibigan pa rin naman kami eh."

"Uhmm...." si Lana.

"Bakit hindi mo pinapasok yung boyfriend mo kagabi?" Tanong ni Tatay.

"Gabi na po kasi. Hindi ko na po siya muna pinatuloy kasi baka tulog na kayo."

"Ipapakilala mo ba siya sa min?" Si Lana.

"Oo naman." Hinawakan ko iyong lalagyanan ng tubig at binuksan. Dahan dahan akong nagsalin ng tubig sa baso. Patuloy naman sa pagtatanong sina Tatay.

"Kelan?" Tanong pa ni Lana.

"Ewan."

"Papuntahin mo na siya dito." Sabi ni Tatay.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon