Page 2

934 22 0
                                    

Sky

Somehow.... you and I .... collide.

Napalunok pa ako ng isang beses matapos kong magbawi ng tingin sa kanya.

Is this real?

Si Heaven?

Akala ko kasi wala siya. Hindi siya dumaan sa area namin nung uwian na. Nauna na yung mga kaibigan niya. Naiwan ba siya? Nagpaiwan? May nakalimutan sa office?

Shet! Bakit kasi hindi ko muna inalam.

Nagpapalatak ako sa sarili.

Salamat sa ulan. Shet. Ngayon lang ako natuwa sa ulan.

Napatingin ako sa mga dalawang babae na nasa kabilang side lang ng waiting shed.

Nagbubulungan sila at napapatingin kay Heaven.

Napangiti ako sa sarili.

Tseh! Sa akin siya tumabi. Sa 'kin ang victory!

Pinilit kong huwag ipahalata ang nadama kong kaba at tensyon.

Ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa't isa. Yung tipong malapit ng magdikit ang mga braso namin sa isa't isa. Feeling ko nadadama ko na yung init ng katawan niya.

Omo! Omo! Baka mag-faint ako bigla! Sasaluhin niya kaya ako 'pag nagkataon?

Promise. Ito na yata ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko.

Maya-maya'y may huminto na jeep sa tapat nung dalawang babae at agad silang nakasakay doon. Nagkanda-haba ang leeg ko sa pagsipat kung kasya pa pero puno na rin agad. Nang papaalis na yung jeep, biglang tumakbo yung lalakeng estudyante at sumabit na lang sa may dyip. Hindi na nito inantala ang lakas ng ulan at ang nagbabaha ng kalsada.

Tsk! Mukhang ubusan na nga ng masasakyan.

Napangiwi ako.

That means....

Napalingon ako sa katabi.

Nakatingin siya sa malayo at blanko ang mukha.

Hindi niya ba nare-realize na stranded na kami dito?

Lumingon ako sa building namin pero mukhang sarado na iyon. Napabuntung hininga ako.

Mukhang malas.

"Ang lakas ng ulan."

Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang magsalita. Lumingon siya sa akin at bahadyang ngumiti.

Automatic na tumalon sa pwesto ang puso ko.

Umiwas ako ng tingin at napaderetso ng tayo.

Kami na lang ang narito. Of course! Ako yung kausap niya.

Ako nga ba?! Hindi nga?

Mahina akong napatango bilang sang-ayon at hindi na nagawang makatingin pa uli sa kanya. Hindi ko alam kung nakita niya ba yung pagtango ko. Nag-iinit ng sobra ang magkabila kong pisngi at nagwawala ang mga kulisap sa sikmura ko.

Swerte ang ulan.

Hindi na siya uli nagsalita after.

Dumilim na ang buong paligid dahil sa pag-gabi maliban sa hindi pa rin tumitigil ang ulan. Wala ng nagdaan na masasakyan na dyip at nangangatog na ako sa lamig.

Malas ang ulan.

Sabay kaming napalingon ng makita ang isang taxi na paparating.

Humakbang paabante si Heaven at pinara yung taxi. Huminto naman ito sa tapat namin.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon