Page 31

494 15 0
                                    

Page 31

Ayoko na

Malaking bahagi nang puso ko ang bumubulong na balikan si Heaven at magpakumbaba para huwag kaming magkahiwalay. Maybe i could settle for a second priority. Pero malaking bahagi nang isip ko ang magsasabing tama na. Enough na.

Siguro kahit sabihin nang marami na - no one deserves to be hurt by someone they love - hindi din iyon totoo. Ang totoo, kahit ayaw mo, masasaktan at masasaktan ka ng taong mahal mo. Kahit sa napakaliit na mga dahilan, kaya kang saktan ng pag-ibig.

Alam ko na naman iyon sa umpisa pa lang. Na masasaktan ako. Siguro may pagka-masokista nga lang talaga ako at hilig ang masaktan dahil sa pagmamahal. Walang bagay na madali para sa akin. Lahat mahirap, sanayan na lamang.

Napapikit ako at huminga nang malalim.

Tapos na akong umiyak mag-isa. Nakaupo na lamang ako sa malamig na buhanginan at kaharap ang dagat. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan. Napakarami nang stars sa langit ngayon at napakaganda nitong pagmasdan.

Dapat matuwa ako sa kagandahang iyon pero naiiyak na naman ako kaya sa dagat na lang akong tumingin. Pinakinggan ko na lang yung hampas nang alon.

Maganda sana kung kasama ko siya. Pero hindi....

Erase. Erase.

Feeling ko ay namatay ang puso ko ngayong gabi pero nadarama ko pa rin yung lamig ng hangin at naririnig ko ang alon ng dagat. Ipinapaalala nitong buhay pa ako.


Tama. Magpapatuloy ang mundo sa pag-ikot so ganun din dapat ako.

Nasaktan lamang ako, isang natural na bagay na nararanasan ng nagmamahal. Magpapatuloy sa pag-ikot ang mundo.

Pero ang hirap pa rin. Parang pinipiga ang puso ko ng dahan dahan, unti unti.

Ayoko ng ma-inlove.

I've been through heartbreaks already kaya kaya ko na ito. Kaya ko ito. Pero kahit paulit ulit ko iyong isigaw sa isip ko..... parang hindi ko pala kaya.


Natigil ako sa pag-iisip at napamulat ng mga mata nang maramdamang may kung anong bumalabal sa balikat ko mula sa likod. Agad akong nag-angat ng tingin at nakita yung taong nasa tabi ko na.

Si Lawrence.

Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat pero wala akong nasabi agad.

"Malamig na. Dapat nagdala ka ng jacket." Naupo siya nang maayos sa tabi ko at humarap muna sa akin. Inayos niya yung pagkakapatong ng jacket sa balikat ko na siya rin naman ang nagbalabal sa akin.

"Lawrence?" Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Paano niya nalamang nandito ako?

Umarko ng konti ang sulok ng labi niya. "Don't assume. Magpapahangin sana ako dito pero nakita kita. Iniisip mo bang sinundan kita?"

"Hah?" Nabigla naman ako at agad nag-blush. "Hi-hindi."

I pout. Ganun nga yung naisip ko.

"Alam kong iyon ang iniisip mo. Okay lang." Tango niya. Umiwas na siya ng tingin at bumaling sa may dagat. Bahadya siyang naglean patalikod at itinukod ang mga kamay sa magkabilang side para support. Idineretso niya ang mahahabang binti sa buhanginan at ipinag-kross iyon.

"Ahh! This is nice." Sabay buga niya nang hangin. Tumingin siya sa langit.

"Umalis ka ng party?" Sandali ko pa siyang tinitigan.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon