Page 56

402 12 0
                                    

Page 56

Panu?

Huminga ako ng malalim at mahaba. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan at ngayon lang nakahinga ng maluwang.

"Naiintindihan ko ang kalagayan mo, Leia. Alam kong nahihirapan ka." Tumango si Sister Lina at ginagap ang kanan kong kamay. "Ngunit mainam na hayaan mong malaman ito ng iba lalo na ng mga taong nagmamahal sa'yo. Higit kanino man, sila ang masasaktan sa huli. Hindi mo na iyon maiiwasan."

Napayuko ako ng ulo. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko sa pagpatak pero hindi ko magawa. Ayaw na nitong huminto.

"Alam ko po. Natatakot lang po talaga ako."

"Huwag kang matakot, hija. Ngayon mo mas higit na kailangan ang suporta ng iba. Kailangan mong maging matatag para sa sarili mo." Ngumiti siya. Iyong ngiti niya sa kin ay tila nagbibigay sa akin ng kapanatagan.

"Ngayon. Gusto kong malaman. Kaya mo ba iniiwasan si Vann ay dahil din dyan sa sinabi mo?" Mataman niya akong tinitigan.

Medyo natigilan ako then naisip ko, malamang narinig talaga ni Sister yung pagtatalo namin ni Vann kanina.

Huminga ako at mahinang tumango. "Ayoko na pong dagdagan pa ang masasaktan, Sister. Nagiging maingat lang naman po ako."

"Yun nga lang ba talaga?"

Napakagat labi ako at muling tumango. "Mabait po si Vann. Actually, noong una po hindi pero nagbago siya at hindi ko po alam ang dahilan." Pinahid ko gamit ang malayang kamay ang basa kong mga pisngi. "Iniiwasan ko lang po na masaktan siya sa huli."

"Pero hindi tama ang ginagawa mo." Mariing aniya. "Iniiwasan mo siya. Hindi niya yun maiintindihan."

"Alam ko po na mali. Pero wala po akong maisip na ibang paraan. Natatakot po ako. Ayoko na po siyang paasahin at saktan."

"Uulitin ko. Hindi mo iyon maiiwasan. Kung iyon ang kalooban ng Diyos. Hindi mo iyon mapipigilan."

Tumango ako at hindi na nagsalita.

Marahan akong hinila ni Sister Lina papalapit at yinakap ng mahigpit. Bumulong siya sa kin at mahina akong tumango at nagpasalamat.

Nagpaiwan muna ako sa pwestong kinaroroonan ko after. Bumalik na sa loob ng bahay ampunan si Sister Lina. Hindi din naman ako pwedeng pumasok agad dahil halata pa sa mga mata ko na umiyak ako.

Pinakalma ko muna ang sarili kong kalooban. Then ilang sandali pa ay nakarinig ako ng umiiyak na bata mula sa isang bahagi ng bakuran.

Pinuntahan ko iyon at nakita ko ang dalawang bata sa labas at iyong isa ay umiiyak. Linapitan ko sila.

"Anong nangyari?" Tanong ko dun sa batang umiiyak. Batang babae ito na sa tingin ko ay edad walo.

"Huhuhu..... ate.... yung.... lobo ko po." Sabay turo sa itaas.

Sinundan ko ng tingin ang itinuturo nito. Then nakita ko ang sinasabi niyang lobo na nasabit sa sanga ng mataas na punong nasa harap namin.

"Hihiramin ko lang po sana kaya lang bigla po niyang nabitiwan kaya lumipad papunta dun." Wika nung katabi nitong batang lalake. Maluha luha na rin ang mga mata nito.

Napabuga ako ng hangin at tumingin dun sa batang babae. "Okay lang. Bili na lang tayo ng bago."

"Ayoko po." Sa pagitan ng paghikbi nung batang babae. "Wala na pong pambili si Sister Lina ng bago. Magagalit po siya."

"Hindi. Hindi siya magagalit. Ako na lang ang bibili ng bago para sa'yo."

Umiling uli yung bata at nagpatuloy sa pag-iyak.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon