Page 59She won't
[Leia]
HINDI ko maintindihan kung bakit kailangan kong pumunta sa main house ng hacienda. At hindi ko rin alam kung bakit dapat kong sundin si Vann?
Malalim akong napabuntung hininga.
Nagtatalo tuloy ang isip ko ngayon.
Pupunta ba ako o hindi?
Pupunta? Hindi?
Ewan ko.
Haist. Masakit sa ulo na mag-isip. Tulad ngayon. Kakaisip ko yata kaya ang sakit sakit ng ulo ko. Pero kelangan kong kumilos at magpunta sa simbahan para magsimba. After ng mass ay may praktis kami at panunuorin iyon nina Father at committee ng fiesta.
Sana talaga magawa ko ito ng tama.
Habang papunta ako sa mass ay panay ang vibrate ng phone ko. Tumatawag si Vann nang walang humpay. Nakakairita. Tinext ko na siya na hindi ako pupunta kasi nga may misa pero ang kulit niya. Kesyo daw umiiwas lang ako.
Well, half truth.
Pero hindi nga?! May mass nga. Mas mahalaga yun kesa sa anuman, noh!
Nang isang beses pang tumawag si Vann ay sinagot ko na. Malapit na ako nun sa simbahan.
"Vann? Ano ba?"
"Nasan ka na?" Madiing wika niya sa kabilang linya ng tawag. Halatang nagpipigil ng tono.
"Sabi ko na. Nasa bayan ako. Magsisimba."
"Kelangan ka bang nandyan? Lagi ka namang nagsisimba ah!"
Potek! Bad influence talaga!! Grr...
"Palibhasa hindi ka nagsisimba!" Inis na inis na ako. "Mamya ka na tumawag. Goodbye!"
Sabay end call.
Bwisit lang!!
Saka ako nagpatuloy sa pagpunta sa simbahan.
*****
[Vann]
Tang***!!
Nang-aasar talaga ang babaeng yun ah! Sinabi ko ng puntahan ako ta's sa iba nagpunta?!
Nakaka-pikon na talaga siya!
Sabi niya hindi siya galit bakit ngayon, halatang halata na umiiwas siya sa kin!
"Apo?!" Nagkagulatan pa kami ni Lola nang marating ko ang dulo ng mahabang hagdan. Galing siya sa kusina ng bahay samantalang ako ay papalabas.
"'La?" Nagmano at masuyo ko itong dinampian ng halik sa noo. "Alis po muna ako."
"Saan ang punta mo?" Nagtatakang tanong niya. Sinipat niya ako ng mabilis na tingin.
"Sa.... sa bayan." Alanganin akong sumagot.
"Anong gagawin mo roon?" Hinawakan niya pa ako sa braso.
"Magkikita kami ni Xyrus doon." Pucha! Ni hindi ko alam kung nasa'n ang ugok na yun.
"Oh? Papuntahin mo na lang siya dito. Bakit kailangan mo pang magpa-bayan?" Kumunot noo si Lola. Alam ko, ayaw niya lang akong payagan na umalis.
"Eh, nandun na ho siya ngayon. Yun na yung usapan namin." Napahawak ako sa king batok.
"Tawagan mo na lang siya at papuntahin dito. Wag ka ng lumabas."
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...