Page 24
Ingat ka
Nang lumabas ako ng gate ay agad kong nakita yung kotse ni Heaven na nasa gilid ng daan. Inayos ko pa yung bagsak ng bangs ko bago lumapit at hinila pabukas iyong pinto. Agad akong lumulan sa sasakyan.
"Good morning."
Lumingon ako sa kanya at pilit ngumiti. "Good morning."
Napabuntung hininga ako ng malalim. Medyo kinakabahan ako sa nagaganap ah. First time na mangyayaring sabay kaming papasok ni Heaven sa kumpanya. Baka may makakita sa amin.
Sinipat ko ang oras sa hawak kong cellphone. Still, maaga pa naman.
"Parang hindi ka natuwang makita ako?" Umarko ang mga kilay niya.
"Hah?" Agad akong napalingon. "Hindi naman." Alanganin akong ngumiti. "Bakit naisipan mo 'atang dumaan dito ngayon?"
"Hindi ko ba pwedeng makita ng maaga ang girlfriend ko?" Seryosong aniya.
Natigilan ako. What's with him? "Hah? Pwede naman."
"Hindi mo gusto?"
"Gusto." Mabilis kong sagot. Saka lihim na na napahinga.
"Right." Umiwas na siya ng tingin at sinimulang paandarin ang kanyang kotse. "Gusto mong mag-kape muna?"
"Ikaw?" Balik tanong ko.
Ngumiti siya. "Let's grab coffee first." Hindi nakatinging aniya.
Nag-stop kami sa paborito kong coffee shop. Mabuti na lang at bukas na iyon ng gan'to kaaga.
Saglit lang kami sa coffee shop at iti-nake out na lang yung order namin. Bumili din siya ng macaroons, as usual.
"Gusto mo?" Alok ko sa kanya nung macaroons.
Ngumiti siya. "Baka kulang pa sa'yo yan?"
"Nakapag-breakfast naman ako sa bahay." Umupo ako ng paharap sa kanya at in-stretch ang kamay ko upang subuan siya ng isang bitesize ng macaroons.
Hindi naman siya tumanggi.
"Thanks." Wika niya pagkalipas ng ilang sandali.
Ngumiti naman ako. "Welcome."
Sandaling katahimikan.
Bakit ba ang awkward ng vibes ngayon?
Huminga ako ng malalim at napailing sa sarili. Hindi. Hindi lang ako sanay.
"Did you sleep well?"
Napalingon ako ng magsalita si Heaven.
"Hah? Oo naman. Ikaw?"
"Slight." Mahinang sagot niya. "Medyo napuyat lang."
"Why? Lumabas pa ba kayong tatlo after kaming ihatid?"
"Hindi. Of course not." Mabilis siyang umiling at napangiti. "That's not the reason."
"Ba-bakit ka napuyat?"
"I was thinking."
Matiim ko siyang tinitigan.
"About us."
Napaawang ang labi ko sa gulat.
About us?! Bakit?
"Sa-sa atin? Bakit?"
Bahadya siyang ngumiti. "I was jut thinking kung hanggang kailan natin pwedeng itago sa office ang relasyon natin. It's not like gusto kong ipaalam pero ...."
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...