Page 27
Precious
Habang nagkakanya kanya na ng lakad ang marami ay pasimple naman akong nagpaalam paalis kay Tina.
May usapan kami ni Heaven na magkita sa labas ng hotel. Ipinaalala niya pa iyon nang matapos ang activity namin kanina.
Nang papalabas na ako ay nasalubong ko pa si Sir Louie.
"Leia?" Nakangiti ako nitong sinalubong. "Saan ang punta mo?"
"Ahm... sa labas lang po." Alanganin akong sumagot. Hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta kasi walang sinabi si Heaven.
"Mag-isa ka lang?" Kunot noo nito.
"May kasama po ako. Na-nasa labas na po."
"Ah, i see." Ngumiti siya. "I'm glad na nakasama ka." Mahina ako tinapik sa balikat then ngumiti.
"Ahh... oo nga po." Pilit akong ngumiti. "Ahmm... sige po. Mauna na po ako?"
"Sige. Ingat kayo."
Tumango ako at agad na umalis. Lumabas ako ng hotel building at naglakad papalayo. Huminto lang ako sa gilid ng intersection na daan at tinext si Heaven.
"Nasaan na kaya yun?" Nagpilig ako ng ulo at tumingin sa pinanggalingan ko na daan. Natatanaw ko pa rin naman yung hotel. I wonder kung saan manggagaling si Heaven.
Biglang nag-ring yung phone ko at nakita ko na si Heaven na yung tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Heaven?" Bungad ko sa tawag.
He sighed. "What's with the tone, babe?"
"Hah?" Napakunot noo ako. "Nasaan ka na ba? Akala ko ba --?"
"Mukhang hindi ka excited?"
"Hah?" Saglit akong napaisip.
May naramdaman akong kumalabit sa kanan kong balikat kaya bigla akong napalingon. Napapitlag ako ng sumalubong sa tingin ko ang isang kamay.
"Babe?"
Paglingon ko sa kaliwa ay ang mukha naman ni Heaven ang sumalubong sa akin. Napaatras tuloy ako sa gulat pero agad naman niya akong nahapit sa baywang para hindi ako ma-out of balance.
Napakapit ako sa balikat niya.
"Got'ya." Then natawa siya ng mahina.
"Heaven naman?!" Hinampas ko siya ng mahina sa balikat.
Inalalayan niya ako na makatayo ng maayos.
"Hindi ka talaga natutuwa na makita ako." Nakasimangot niyang wika.
Napatingin ako sa mukha niya. "It's not that."
"So what is it?"
I bit my lips. Eh, ano pa nga ba? Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. "Saan ba tayo pupunta?"
I heard him sigh. "Suprise."
Inilahad niya ang kanyang kamay at napatingin ako dun.
"Shall we?"
Tumango ako at ngumiti. Agad niyang pinagsiklop ang mga kamay namin then ngumiti din siya. Siguro naman walang makakakita sa amin.
Holding hands talaga kaming naglakad at sobrang saya ko. Hindi naman kasi araw araw ay nagagawa namin ang ganito.
Bakit parang biglang ang ganda ng paligid? Bakit parang umaawit ang mga ibon? Bakit parang nagsisisayawan ang mga puno at napakaganda ng langit ngayon?
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...