Pagtatapos Pt. II
[Vann]
SEVEN months kaming nagkasama.
Those are the most memorable moments of my life. Every seconds of it was worth spent.
"Ayan na pala!" Pinagkagulahan agad nina Bea at Em ang papalapit na sina Lana. Napangiti ako ng malapad.
"Hi! Kamusta?" Bati agad ni Bea. "Kamusta ang pamangkin namin na ubod ng ganda na nagmana sa mga Titas buti hindi nagmana sa kanyang ama!"
"True ka dyan Ate Bee." Nakatawang ani Lana. Sumulyap ito sa akin at ngumiti. Nagtawanan silang tatlo na parang wala lang kaming mga lalake na naroon.
"Grabe sila." Monotone na wika ni Lawrence. Nagkibit balikat si Heaven.
Tumawa naman si Ysmael. "Ganyan talaga sila. Kapag positive adjectives, sa kanila mana. Kapag negative na, sa Ama na mana."
"Eh, ano naman sa'yo, aber! May reklamo ka?" Puna agad sa kanya ni Bea. Narinig niya pa yun. Natawa lang naman si Ysmael.
"Hi baby!" Si Em.
Kinuha ni Bea ang baby mula kay Lana. "Halika sa Tita." Sabi pa nito habang knukuha ang baby pero agad din itong umiyak.
Napatingin tuloy sa amin ang ilan sa mga guests ng exhibit. Kami lang talaga ang maingay ngayon.
"Hala ka!" Ani Em. Natawa ng mahina sina Em at Lana.
Lumapit ako at ako naman ang kumarga sa bata. Tumigil naman ito sa pag-iyak at yumakap sa leeg ko ng mahigpit.
"Ayaw niya sa kin." Nakapout na wika ni Bea.
"Nahirapan din ako na pasamahin siya sa kin. Tignan mo. Hindi na yan magpapabitaw sa Papa niyan." Nakangiting wika naman ni Lana.
Nagkatinginan kami at nagpalitan ng magandang ngiti.
"Kilala niya agad ang Papa niya eh." Nakangiting sabi ni Em.
"Pasensya na. Nangingilala pa kasi." Paumanhin ko sa kanila.
"Okay lang. Naintindihan namin yan." Sagot ni Em.
Tinabihan naman ni Ysmael si Bea. "Alam mo. Hindi mo naman kailangan mainggit kina Vann na may baby Mirae na sila ni Leia. Pwede naman tayong gumawa ng atin."
Nakangiting tumango naman ako.
"Manahimik ka nga Maeng!" Naiiritang suway dito ni Bea. Nagblush ito. "Alam mo. Kanina ka pa joke ng joke eh. Hindi ka na nakakatuwa."
"Hindi ka pa ba napipikon?" Wika ni Ysmael na may pilyong ngiti sa labi.
"Malapit na! Bakit?" Mataray na sagot ni Bea.
"Wala lang. Para para seryosohin mo naman ako."
Lalong namula ang mukha ni Bea. Natawa na kami.
Niyakap ko ng maige ang aking anak.
If only Leia could see this. Makikita niya kung anong kasiyahan ang idinulot niya sa aming lahat.
Hindi na niya nakita ang aming anak. Na-comatose kasi siya sa ika-walong buwan ng pagbubuntis niya. Masasabi ngang isang miracle ang nangyari na nagawa niyang ipanganak ng buhay at ligtas ang aming anak. Isang buwan lamang ang itinagal niya sa ospital then tuluyan na niya kaming nilisan. Pero sa pag-alis niya, isang bagong buhay naman ang ibinigay niya sa min.
Our miracle.
Si Miracle Tathiana.
Tahimik kong in-open iyong card na ibinigay ni Em. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficțiune generalăBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...