Page 57

379 10 0
                                    

Page 57

Nakakapanibago

[Vann]

ISANG araw lang ang pinalipas ko sa ospital at nagpahatid na rin ako pauwi. Kahit na tinutulan iyon ni Mommy, wala na rin silang nagawa. Xyrus drives me home. Wala naman akong choice dahil nga injured ako.

Hapon na ng makauwi kami. My Mom insisted na sa main house ako mag-stay. Yun na lang ang ginawa ko.

"Where's your Dad?" Tanong ni Xyrus.

Nasa silid ko na kami and it has been months since I've used this room. Wala pa ring nabago. Siguro dahil si Mommy ang nag-lilinis at nag-aayos nito. Hindi niya hinahayaang may ibang makapasok sa silid maliban sa akin at kanya.

Huminga ako ng malalim at mahaba tapos ay tumingin sa paligid ng silid.

Madaming alaala ang biglang bumuhos sa aking isipan. Alaala ng kabataan ko, alaala na kasama ko pa siya..... pero inalis ko rin iyong lahat.

"I don't know." Hindi nakatinging sinagot ko yung tanong ni Xyrus.

Ang alam ko ay nasa Manila si Dad. Inaasikaso ang ilang bagay na may kinalaman sa business na ipinamana naman kay Mommy ng Ama nito. Mula din kasi sa mayamang pamilya si Mommy. Mula sa sikat na pamilya ng Escaner. Yet, matagal na siyang bumukod dito.

Si Carmen Escaner-Buenaventura ang bunsong anak ni Don Marteo Alonzo Escaner. Ang pinakasikat na businessman sa bansa.

Well, matagal na rin pala ang lumipas na oras mula ng huli kong makita si Lolo.

Lumapit ako sa salaming pinto na naroon at papunta sa terrace. Lumabas ako at sinipat iyong buong lupain namin.

"So, I guess, pahinga ka muna ng trabaho sa farm." Sinundan pala ako ni Xyrus.

Sumandal ako sa railings. Hindi ko siya nilingon.

"Nope. I can still work. Sa office na lang muna ako."

"Uh-uh." Sinundan niya iyon ng mahinang tawa.

Nilingon ko na siya. "What?"

"Anong what?" Hindi mawala ang ngisi sa kanyang labi. "Sa office? Anong gagawin mo dun?"

"Magtatrabaho!" I hissed.

"We both know na kahit hindi ka magtrabaho sa farm ay kikilos ito. Hindi mo nga kailangang tumao roon araw araw dahil may namamahala naman."

"So, you're saying?" Pinagkunutan ko ito ng noo.

"So, I'm saying na may iba kang purpose kaya ka tatao sa office. Like..... para makita ang isang tao." Then nakakalokong ngisi na naman.

Natawa ako ng hilaw. "Hindi ko alam sa'yo!"

"Kahit hindi mo aminin nakikita at makikita naman yan sa kilos mo." Natawa na naman siya.

Bumuntung hininga ako ng malalim.

"Well...." nagkibit balikat siya. "Mukhang in favor naman sa kanya ang Lola at Mommy mo. Daddy mo na lang ang hindi niya pa nami-meet."

"Do they have to?!" Biglang nagbago ang mood ko. Napatiim bagang ako at pinanliitan siya ng mga mata. "Hindi naman nila kailangang magkakilala pa."

May konting ngisi sa labi ni Xyrus habang mahinang umiling. "Okay. I understand where you're coming. Pero isipin mo din na imposibleng hindi dumating ang oras na magmeet sila. And if you are going to pursue courting---"

"Woah!!" Sansala ko sa sinasabi niya. Napatayo ako ng diretso at lalong lumalim ang kunot sa aking noo. "Pursuing? Courting?! I am not going to do that. Saan naman nanggaling ang ideya na yan?!"

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon