Page 30
Seperate ways
"Wow! Miss Fuentes. We didn't actually know that you sing. Ang galing mo. Palakpakan naman dyan!" Wika nang MC sa tapat nang mic.
Nagblush ako at napakagat ng ibabang labi. Nagpalakpakan yung mga kasamahan ko the moment na natapos akong kumanta at ang saya sa pakiramdam. Though, kinakabahan pa rin ako.
Tinabihan ako nung MC at mukhang wala pa itong balak na papababain ako ng stage. Isa sa may posisyon sa kumpanya ang MC kaya kilala ko ito.
"Baka naman pwede naming malaman Miss Fuentes. I'm sure marami ang may gustong malaman nito ngayon." Nakangiting tinignan ako ng lalakeng MC. "Single?"
Saka nito itinapat sa bibig ko yung hawak na mic.
Hindi ako agad nakaimik. Tinignan ko lang ito at pati yung mga nanunuod na tila naghihintay sa kung anong isasagot ko.
Nahagip nang tingin ko sina Tina, Ysmael at Lawrence na nasa malayong dulo ng function hall.
Wala si Heaven. Nasaan na siya?
Huminga ako ng malalim at mahinang umiling. "Single po."
"Yun!" Ibinalik ng MC ang mic sa sarili at nakangiting bumaling sa nanunuod. "Single mga ungas na boys dyan."
Nagtawanan at palakpakan ang marami.
"SINGLE BUT TAKEN!"
Natahimik ang lahat, pati ako, nang may sumigaw noon mula sa kung saan.
Paglingon ko sa mababang hagdan na pababa nang stage ay nakita ko si Heaven. Nakatayo na ito roon at nakatitig sa akin.
"Taken by Heaven Sandoval? This is a suprise." Hindi makapaniwalang wika ng MC sa may mic.
Umakyat sa stage si Heaven at agad nakalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at bumaling ng tingin sa may MC.
"Yes Sir. If you must know. This girl is already mine."
Napa-O sounds ang lahat.
Napaawang na lang ang labi ko sa pagkalito sa nagaganap. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
"Is it true Miss Fuentes?" Wika nang MC.
Nanlamig na ako ng husto. Nangatog ang mga labi ko at lalong bumilis ang pagkabog nang dibdib ko higit pa sa kanina habang nagpe-perform.
Umikot ang tingin ko sa mga taong nasa ibaba ng stage at nasa pinakamalapit na mesa. Nakita ko si Sir Louie at ang ilan sa Head nang kumpanya namin. Lahat sila ay mukhang nagtataka sa nangyayari.
Napalunok ako.
"Miss?" Agaw pansin sa akin nung MC.
Nag-angat ako ng tingin at agad nagsalubong ang mga tingin namin ni Heaven.
Malamlam ang pagtitig niya sa akin ngayon. Parang ipinapahiwatig sa aking kailangan kong sabihin ang totoo.
Tumingin ako sa MC at mahinang tumango. "Opo. Taken na po."
Tumahimik ang paligid.
Huminga ako ng malalim.
"Then," wika nung MC nang makabawi sa pagkagulat. Tumingin na siya sa mga audience at ngumiti. "Then, sorry to burst your bubbles instantly, guys. Single si Miss Fuentes pero taken na. Sorry na lang mga ungas."
Halo halong reaction ang sumunod. Umingay tuloy. Kinuha na ni Heaven ang kamay ko at hinila na ako pababa mula sa stage.
Pagbaba namin ng stage ay nakita ko agad yung lalakeng staff na nagpahiram sa akin ng gitara. Hinila ko ang kamay ko para pahintuin si Heaven. Napatingin tuloy ito sa akin.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Fiksi UmumBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...