Page 81

434 8 1
                                    

Page 81

Marry me

[Vann]

TINAKBO KO na ang pagpasok sa ospital. Alam ko na narito na siya. Sinabi ni Tatay Leo na saglit lamang si Leia sa apartment ng mga kaibigan. Meron siyang schedule ng check up dito sa ospital kaya dito na ako dumeretso.

Mabilis na kumakabog ang dibdib ko. Hinihingal ako ng marating ang lobby, hindi lang dahil sa hingal sa pagtakbo kundi dahil sa kaba at pag-aalala.

Leia didn't expect me to be here. No one expect me to be here. Pero gusto kong narito ako. Dapat narito ako.

Naalala kong muli ang sinabi ni Tatay Leo.

"Gusto ko sanang samahan si Leia sa ospital pero ayaw niya. Kahit kelan ay hindi siya nagpapasama ng kahit sino sa ospital. Nagpapahatid lang siya."

Truthfully. Nakita ko si Heaven na nasa lobby ng ospital. Siya ang nagsabi sa akin kung nasaan na si Leia. Sinabi rin niyang ayaw ngang magpasama ng dalaga sa kung nasaan siya but I insisted to look for her.

I wasn't please to see him pero wala na akong magagawa. Ako ang dapat kasakasama ni Leia pero nag-drama pa ko.

Empty ang hallway nang marating ko ang sadya na floor. Dumeretso ako ng hakbang hanggang sa nakapinid na double door, hindi ako nagdalawang isip na pumasok.

I froze ng makita ko siya. Parang biglang huminto ang pagtakbo ng oras. Napasinghap ako at minasdan siyang maige.

Tahimik siyang nakatayo sa gilid ng hallway, nakasandal sa puting dingding at nakayuko. Nakatali ang buhok niya at nakahawi sa kaliwang balikat at naka-suot siya ng puting patient gown. Nasa harap niya ang dalawang kamay, pinipisil ang bawat daliri.

She's nervous. I can tell. Malalim siyang bumuntung hininga.

"Sir?"

Gulat akong napalingon sa boses na iyon. Halos mapatalon ako sa pwesto. Nakita ko agad ang isang babaeng nurse na nasa likod ko na at nakatingin sa akin.

"Sir, bawal po kayo dito. Ang mabuti pa po ay lumabas na kayo." Kunot noong wika nang nurse.

"Ahmm...." hindi agad ako nakaimik.

"Vann?"

Muli akong lumingon and this time ay sa side ni Leia.

Nagtama ang mga tingin namin at sandaling magkahinang. I felt my heart beat skipped. Humakbang siyang papalapit sa akin.

"Ma'm kasama niyo po siya? Pwedeng sa labas na po siya maghintay?" Binalingan ng nurse si Leia ng makalapit na ito.

"Ah... sige po. Sorry hah. Hindi niya kasi alam. Lalabas na rin siya agad. Kakausapin ko lang sandali." Ngumiti si Leia sa nurse.

Hindi ko inalis ang tingin kay Leia.

"Okay po. Pasok na rin po kayo sa loob para makapagprepare na. Padating na po si Doc." Anang nurse. Then nilagpasan na kami nito at pumasok sa isang pinto. Kanina ay nakatayo lang sa tapat noon si Leia.

Namagitan ang katahimikan sa amin ng ilang segundo.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung paano ko siyang babatiin ngayon. Awkward naman kung kakamustahin ko siya dito sa loob ng ospital.

"Vann, anong ginagawa mo rito?" Nagtataka niyang tanong na nakapagbalik sa lumipad kong diwa.

God. I am totally blocking out because of her presence.

Tumikhim ako. "I --- came to see you."

Saglit siyang napatitig at kumunot noo. "Bakit?"

I sense a deep tone of confusion there. Hindi niya ako in-expect dito. Hindi niya ako gustong narito but I don't care.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon