Page 46
Sky and Star
[Leia's POV]
Parang gusto kong malula sa lawak ng lupain ng mga Buenaventura. Seriously.... parang kanila na ang buong bayan sa lawak ng palayan nila.
Gosh!
Sumakay kami ni Ayumi ng tricycle papasok sa lupain ng mga Buenaventura. At ang haba ng lupang kalsada na itinakbo namin. Kaya pala mahalagang sponsor ng simbahan ang pamilya. Sila pala ang pinakamayaman sa lugar na ito.
Eh, kaya naman pala ke yabang nung lalake kanina.
Hmf!!
Napahanga naman ako ng marating namin ang main house ng lupain. Mansyon ito. As in malawak na mansyon. May malawak na bakuran na nalilibutan ng mga halamang bulaklak.
Ang ganda. Parang ang sarap mahiga sa mga damuhang iyon at palipasin ang oras sa pagmasid sa langit.
Haist.
"Sinu sinong nakatira dito, Ayumi?" Curious kong tanong nang makababa na kami ng tricycle. Nagpahintay na rin kami roon kasi malamang na walang maghahatid sa amin palabas ng malawak na lupain na ito.
"Sa ngayon. Si Senyora Alva. Yung anak niya si Sir Gerry, yung asawa niya si Ma'm Carmen then isang anak nila na babae."
Natigilan naman ako.
Isang anak na babae?
"Isa lang ang anak nila Sir Gerry?" Nagtataka kong tanong.
"Tatlo. Pero iyong isa ay nasa Amerika yata yun. Ta's yung isa, nakabukod sa kanila. Parehong lalake yun ta's yung nag-iisang babae lang yung kasama nila dito." Nilingon niya ako na nakangiti.
"Ah," kumunot noo ako. Kung ganun? Kaanu ano nila yung lalakeng mayabang? "Wala silang ibang kasama dito na kamag-anak?"
"Wala naman." Nag-start na kaming maglakad papasok sa bakuran.
Nakapagtataka naman.
"Syangapala...." biglang wika ni Ayumi. "Yung ikalawang anak nila Ma'm Carmen na lalake ay nandito din pero dun siya nakatira sa may dulong bahagi ng lupa nila."
Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat.
"Malapit lang yun sa tinutuluyan mo." Naunahan niya ako sa paghakbang.
Feeling ko kasi nanghina ang mga tuhod ko sa narinig.
God. Mukhang totoong Buenaventura nga yung mayabang na nilalang. At totoo ba yung sinabi ni Ayumi?? Malapit lang daw yung tinutuluyan nun sa bahay na pinag-i-stay-an ko?!
Ke malas naman!
Napalunok ako sa ideyang maaaring magkita pa uli kami ng kumag na yun. Parang ngayon pa lang kinakabahan na ko.
Hindi kami nakapasok sa loob ng mansyon. Iginiya kami ng isang katulong papunta sa likod na bahagi ng mansyon at natagpuan namin ang isang may edad na babaeng abala sa pagtatabas ng halaman sa gilid lamang ng bakuran.
Maputi na ang buhok ng matanda tanda ng kanyang edad pero malakas at maliksi pa rin ito kung kumilos. Nagtatabas pa nga ng mga halaman.
Nakakatuwa naman itong pagmasdan.
"Magandang hapon po." Bati ni Ayumi sa sapat na boses.
Agad na lumingon sa amin iyong matanda.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...