Pagtatapos

797 15 0
                                    

Pagtatapos

"Look at the world
Everything all around us
Look at the world
And marvel everywhere
Look at the world
So many joy and wonders
So many miracles along our way

Praise to Thee, O Lord for all creations
Give us thankful hearts so we may see
All the gift we share and every blessings
All things come of Thee"

***

[Bea]

"Yes po, Tita. Ako na pong bahala." Natatawa kong sabi habang pababa ng mahabang hagdan mula sa second floor ng building.

Bahadyang nakatungo ang aking ulo at nakangiti habang may kausap sa phone. Si Tita Claro kasi masyadong praning.

"Paalis na po ako ng office eh. Opo. Kita na lang po tayo mamaya. Magko-commute po ako." Wika ko pa habang patuloy sa paghakbang.

"Bea?"

Mula sa likod ko ay may tumawag sa akin. Malapit na ko sa glass door pero huminto ako at lumingon. Nakita ko kaagad ang isang katrabahong lalake, si Jay, papalapit na siya sa akin.

Tsk. Not again. Lihim akong napabuga ng hangin.

"Okay Tita. I'll call you kapag papunta na kami." Nang marinig ko ang okay ni Tita sa kabilang linya ng phone ay in-end ko na yung call. Sakto naman na nasa harap ko na si Jay.

"Hi Jay! Watzup?" Ngumiti ako.

"Pauwi ka na?" He flashed a shy smile. "Pwede ba kitang ihatid?"

"Ahm..." nagkibit balikat ako. "May pupuntahan pa ako eh. May imi-meet ako na friend. Sa ibang araw na lang."

"Ah, saan ba kayo magkikita? Pwedeng ihatid na lang kita roon."

Lihim akong napangiwi. Very persistent eh.

"Hindi na. May susundo sa kin." Kahit wala. "Next time na lang."

Tinalikuran ko na siya at humakbang papalabas. Sumunod naman siya at nang huminto ako sa gilid ng daan huminto din siya.

"Ayaw mo lang yata. Lagi kitang inaaya pero lagi mo ding tinatanggihan." Nakapout niyang wika.

Hindi ko alam kung anong tamang sabihin. Actually, totoo naman kasi. Its not that I don't like him. May itsura naman siya. Pang-boyfriend material pero.... ewan. Naiinis kaya ako kapag ganitong nangungulit siya. Ayoko ng maging bad. Nagbabagong buhay na kaya ako.

"Sige na Bea?" Pakiusap pa nito.

Napangiwi na talaga ako.

Arghh .... i hate it.

"I believe the girl says no." Biglang may nagsalita kung saan.

Sabay kaming napalingon ni Jay and there! Si Ysmael nakatayo na gilid namin. Tinabihan niya ako agad at inakbayan.

"Sorry to interrupt." Nakangising ani Ysmael.

I rolled my eyes upward.

"Bea?" Jay looked at me in puzzled eyes.

"Ah! Jay, siya yung sundo ko eh. Kai--"

"Special friend niya ko." nakangising putol ni Ysmael sa sinasabi ko. Siya pa ang unang nag-lahad ng kamay kay Jay. "Ysmael, pre. Wag ka ng masyadong mag-alala kung may magsusundo o maghahatid kay Bee. Ako ng bahala roon. Special eh."

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon