Page 36

487 13 0
                                    

Page 36

Totoong kaibigan

I don't know if Heaven intentionally did this. Alam niya bang nandito si Ms. Sarah?

Siguro naman. Like, may mga bagay ba na hindi niya alam tungkol kay Ms. Sarah? Yung mga whereabouts niya. Mga favorites, likes and dislikes?

Tulala akong nakatunghay sa mukha ni Heaven habang um-order siya. Kakatapos ko lang ibigay ang order ko. Nang tuluyan ng nakaalis yung waiter ay saka lang bumaling ng tingin sa akin si Heaven.

Napakunot noo siya. "Bakit nakatitig ka?"

"Hah?" Snap. "Ah, sorry." Umiwas na ako ng tingin. Dumeretso ako ng upo at medyo inayos ang bangs ko.

"Bakit?"

Sunod sunod akong umiling. "Wala. Wala naman."

Nagkibit balikat siya at bahadyang pumaling ng tingin sa pwesto nina Ms. Sarah. Nasa side view namin kasi sila.

Medyo napangiwi ako pero saglit lang para hindi niya mapansin. "Heaven?"

Umarko ang mga kilay niya.

Pilit akong ngumiti. "May gusto ka kay Ms. Sarah right?"

"What?!" Napaubo pa siya at naging malikot ang mga mata. "Of course not."

"Nagdeny ka pa." Napangiwi ako.

Matiim niya akong tinitigan. "Okay. Of course i like her. She's a friend."

"You like her more than friends."

Natigilan naman siya.

"Alam ko iyon. Alam iyon ng halos buong populasyon sa kumpanya." Nag-iwas ako ng tingin at naupo ng deretso.

Sandali kaming natahimik.

Huminga ako ng malalim. "Do you want her?" Mabilis akong sumulyap sa kanya.

Napabuga siya ng hangin. "Okay. Let's drop the topic." Napailing siya.

"I think the feeling is mutual. Bakit hindi mo siya ligawan instead?"

"For God sake! Ikakasal na siya. Can't we drop this topic?"

"Babae pa rin ako. Nadarama ko na may feelings si Ms. Sarah sa iyo."

"Hindi ka nagseselos?"

"Hah?" Nabigla naman ako sa tanong na yun. Saglit na natulala ang face ko.

"You said you like me." Seryosong aniya.

"I --i did." Napabuga ako ng hangin. "Yes. Nagseselos pa rin ako."

He leaned back to his chair.

Huminga ako ng malalim. "Pero wala akong karapatan."

"Wala kang karapatan? You are my girlfriend. Syempre may karapatan ka." Pauyam niyang wika.

Pilit akong ngumiti. "Girlfriend mo uli ako. Pinilit lang kita."

"Not even a single truth." Tumiim bagang siya at mahinang umiling. "You have a very different outlook about relationship."

"Bakit?" Nagtataka ko siyang tinignan.

"Iniisip mo ba na lahat ng ito ay may kapalit at dahilan? Para sa 'yo lahat may lihim na agenda."

Napaawang ako ng bibig sa narinig.

"Trust me this time Leia. Wala akong balak na manligaw kay Sarah. At wala akong balak na iwan ka. Not now. Not now that we've started."

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon