Page 28
Real couple
Nang makabalik kami sa hotel ay madilim na. Nag-ikot pa kasi kami. Mabuti na lang at malaki yung resort ay wala kaming nasalubong na katrabaho.
Sa totoo lang. Hindi ko masyadong naenjoy ang pamamasyal namin dahil sa sobrang pag-aalala ko na baka may makakita sa amin. Haist. Hindi sana ganito kung.... kung sana.....
Nauna akong pumasok ng hotel at hinayaan na mahuli si Heaven. Nagtalo pa kami sa bagay na iyon. Minsan hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit parang gusto niyang makita ng mga ka-office namin na magkasama kami. Magiging malaking issue kaya yun.
Aisht.
Mukhang nabad trip nga siya kasi nakasimangot na siya nang maghiwalay kami. Wala naman akong magawa.
Pagdating ko sa room namin ay naabutan ko si Tina na nasa harap ng malaking bintana doon at tila balisa.
Kunot noo ko siyang nilapitan. Nakatingin siya sa kanyang cellphone at may tinitignan.
"Tina?" Agaw pansin ko sa kanya.
Literal siyang nagulat at napatalon sa pwesto ng marinig ang boses ko. Mabilis siyang lumingon sa kin at namutla.
Nagtaka naman ako. "Bakit? Okay ka lang?"
"Hah?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "I-ikaw? Okay ka lang ba?"
"Okay lang." Lalong lumalim ang kunot noo ko. "Bakit?"
"Hah? Wa-wala." Umiling siya. "Magkasama kayo ni Heaven?"
"Pa-panu mo nalaman?"
Natawa siya pero hilaw. "Malamang siguradong sasamantalahin niyo ang pagkakataon."
Napangiwi ako.
"Joke lang. Nakita ko kayo dito." Sabay turo sa bintana. "Open relationship na ba kayo? Mukhang hindi na kayo nag-aalalang may makakita sa inyo ah."
"Omo!" Nagulat talaga ako. "Kita ba kami? Hin-hindi ko alam."
Umiling iling siya tapos ay mabigat na napabuntung hininga. Umiwas na siya ng tingin at humalukipkip.
"May problema ba?" Nakikita ko na mukhang may bumabagabag talaga sa kanya eh.
"Wala." Pilit siyang ngumiti. "Nag-aalala lang ako."
"Saan?"
"Sa ---" mataman niya akong tinitigan. "Basta. Kain na tayo."
"Hindi nga? Sabihin mo na muna."
Umiwas siya sa akin at humakbang papunta sa pinto. "Tara na."
Wala naman na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
*****
*Kinabukasan
Maaga kaming nagising at nagpunta ni Tina sa restaurant ng hotel. Gusto niya daw na maaga para hindi makasabay sa marami. Anti-social talaga itong si Tina tapos nagsama pa kaming dalawa.
Nagulat ako ng biglang may naupo sa tabi ko habang kumakain kami.
Natigilan kami ng makilala ito. Si Cynthia.
"Hi." Nakangiting bati nito sa amin.
"Hello." Bati ni Tina.
Alanganin akong ngumiti.
Bumaling ito sa kin. "Leia. Magready ka mamaya." Wika niya.
Nagulat naman ako. "Hah? Ready saan?"
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficción GeneralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...