Page 49

485 10 3
                                    

Page 49

Ceasefire

Wala na nga akong sinabi. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Sa ilang salita na binitiwan niya sa akin, pakiramdam ko buong mundo ko ang gumuho.

Ano ba siya? Sino ba siya? Inano ko ba siya?

Ewan. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

Malalim at mahaba akong bumuntung hininga.

"Napakalalim ng buntunghininga mo ah."

Gulat akong napalingon ng marinig iyon. Medyo natigilan pa ako ng makilala kung sino ito.

"Father?" Napangiti ako at sinalubong na ito.

Nasa tapat kami ng grotto ni Mama Mary. Kanina pa ako nakatayo sa harap niyon at nag-iisip ng malalim. Yung iniisip ko ay tungkol dun sa hambog na lalakeng naka-usap ko kamakailan lang. Tama. Mula ng incident na iyon ay hindi na siya nawala sa isip ko.

Nakakainis!

Pareho kaming tumingin ni Father kay Mama Mary.

"May problema ba?" Tanong niya sa akin.

Muli akong huminga ng malalim. "Wala po."

"Hindi ka naman titingin at tatayo lamang dito maghapon ng walang dahilan."

Umiling ako ng mahina. "Wala po talaga."

"Kung ganun. Anong iniisip mo?"

Nilingon ko siya at agad kong nasalubong ang natataka niyang tingin. Pilit akong ngumiti. "Hindi ko lang po maintindihan ang ilang bagay."

"Tulad ng ano?"

"Tulad ng kung bakit may mga taong hindi natin magawang i-please kahit anong gawin natin. Kahit wala naman tayong ginagawang masama sa kanila."

Tsk. Yung hambog na lalakeng iyon! Masyado niyang ginugulo ang isip ko ngayon!

"O? Alam mo na ba kung bakit?"

Lumingon ako at saglit natigilan.

Ngumiti si Father sa akin.

"Sa tingin ko po." Pilit akong ngumiti. "Alam ko po."

Tama. I cannot please anyone. Hindi ko kaya dahil may iba ibang ugali ang mga tao. That make us different from one another. Ang tangi magagawa ko lamang ay intindihin ang sitwasyon. Intindihin ang taong involve. Intindihin na hindi lahat ng tao sa paligid ko ay mauunawaan at magugustuhan ang ginagawa't sasabihin ko.

Well, we are not born to please others. We are born to live in harmony, at kailangan nun ng malawak na isipan para sa pag-uunawaan.

Tsk. Maswerte ang lalakeng yun at may mahabang wavelength ako ng understanding. Pero hindi ko siya palalampasin once na may gawin na siyang foul at nakakasakit. Promise.

"Sino ba yang tinutukoy mo?" Na-curious tuloy si Father.

"Ahh.... bagong kakilala po. Hindi ko alam yung pangalan e."

Ngumiti siya. "Ganun ba. Hayaan mo. Huhusgahan ka ng mga tao dahil sa gusto nilang isipin pero magbabago din yan kapag nakilala ka na nila. Kung sino man yan. Siguradong hindi ka pa niya nakikilala ng husto. Bigyan mo siya ng chance."

Pilit akong ngumiti. Naku. Chance ba? Ibig sabihin kakausapin ko pa yun? Tsk. Wag na lang. Isipin niya na lang ang gusto niyang isipin. I don't care. Kung masama man ang iniisip niya tungkol sa kin. Paniniwala na niya yun. May mga taong naniniwala pa rin sa akin at sa kung sino talaga ako. Bakit ako papaapekto sa Isa?!

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon