Page 10

587 18 0
                                    

Page 10

Nice party

"Hindi ko in-expect na aaminin mo sa akin na matagal mo ng crush si Heaven. I am still his friend and he has my loyalty." Nakangising ani Lawrence.  

Kumabog naman ang puso ko sa kaba. Yung ideya na maaari niyang sabihin kay Heaven ang confession ko ay naglaro sa isip ko.

What if.... what if ayaw naman talaga sa akin ni Heaven? What if hindi naman siya seryoso?

Napailing iling ako. "No. No. I mean.... crush... as in... hinahangaan. Ganun." Namumula kong wika.

Bakit ba kasi ang tactless ko? Kainis.

Natatawang nailing si Lawrence. "Heaven is one lucky guy hah."

Napatingin ako sa kanya and he just smiled at me.

"Don't worry. Your secret's safe with me."

Napangiwi ako ng konti. Parang hindi ako panatag doon.

"Tulad nga ng sinabi ko. Hindi madaling bumibitaw si Heaven sa mga hawak na niya." Mahinang wika ni Lawrence. Umiling din siya.

Huminga ako ng malalim at wala sa loob na napalingon sa may bandang entrance ng bar. May nakita akong pamilyar na taong dumating.

Sa malayo pa lang ay nakilala ko na ito. Sa matangkad nitong height, makurbang body figure at magandang mukha, sino ba naman ang hindi makakapansin sa presence nito.

Naalala ko yung napag-usapan namin ni Tina nung nakaraang araw. About kay Heaven at .... Ms. Sarah.

Kasi right now, Ms. Sarah Rosales grace the place.

Suminghap ako at umiwas ng tingin.

"Hindi madaling bumibitaw sa bagay na gusto niya si Heaven." Mahinang bulong ko. Para bang mahalagang bagay iyon na dapat kong laging alalahanin at kabisaduhin. Ouch. "Katulad ng pag-kagusto niya kay Ms. Sarah?"

Sa sulok ng mata ko ay nakita kong nilingon ako ni Lawrence at napakunot noo siya.

"What did you say?"

Para akong binatukan sa ulo at biglang natauhan. Napasinghap ako at mabilis na umiling. "Wala. Wala lang." Nilingon ko siya at ngumiti ng pilit. "Wala naman."

Umiling siya sa akin. "Mabait ka pala talaga. Napapaisip tuloy ako kung dapat bang hayaan kita kay Heaven. You know, kahit kaibigan ko yan may kalokohan din yan sa buhay."

"Hindi naman siguro ako pinagti-tripan lang ni Heaven di ba?" Wala sa loob kong nasabi ng malakas.

Natigilan si Lawrence at tumitig sa akin.

Hindi ko alam pero dahil sa ginawa niya parang kinabahan ako.

Umiwas siya ng tingin. "Syempre hindi. He won't do that lalo na kung makilala ka na niya ng husto."

He won't do that?

"I wouldn't allow it also." Makahulugang aniya.

Napatitig ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Napansin ko ang mga mata niyang tila nangungusap na kung ano. Nakatingin siya sa ibang direksyon. Deretso lang.

"Walang sinuman ang deserve na masaktan ng dahil lang sa laro o kasinungalingan." Mahina pero narinig kong wika niya.

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya then nakita ko na nakatingin pala siya sa isang babae na nakaupo sa may katapatan lamang namin na upuan sa counter.

Nakababa ang mukha ng babae at may hawak na kopita ng alak. Malungkot ito at tulala.

Magtatanong sana ako kung kilala niya yung girl pero biglang may nagsalita likod ko.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon