Page 13
Potassium
"Sorry."
"Why are you sorry?"
Umiling iling ako. Lalo lang akong naiyak. Alam ko sa sarili ko na mali ang ginawa ko but theres a side of my mind na nagsasabing kailangan kong itong gawin. Sa maraming dahilan.... dapat kong ipaalam ang nararamdaman ko.
I've been loving him for so long at ako lang yung mag-isa. It was so empty inside at ito na lang ang tangi kong way para mapunan iyong kulang sa puso ko. Kahit hindi totoo.... kahit kasinungalingan lang. Atleast alam ko kung saan ito tutungo. Alam kong masasaktan ako at mapaghahandaan ko iyon. Maaari akong gumawa ng paraan para baguhin ang isip niya pero hindi ko iyon gagawin.
Kahit pagpapapanggap lang ang lahat. Okay lang. Hindi na ako maghahangad ng higit pa sa kung anong maibibigay niya basta mapunan lang yung kakulangan sa puso ko. I sound desperate. Kainis!! Alam ko na kung sino ang gusto niya so wala talaga akong maasahan na anuman mula sa kanya. I've never wanted anything like this before. Pwede bang maging selfish kahit isang beses lang?
"Dammit!"
Napatingin ako sa kanya at nakita ang matiim na pagsalubong ng mga kilay niya. Galit siya.
"Heaven?"
Sabay kaming napalingon sa may pinto ng sinasakyan namin. Bumukas iyon at sumilip na yung staff para sabihing tapos na yung ride. Tapos na pala yung ride.
Humikbi ako at mabilis na nagpahid ng mukha. Agad bumaba si Heaven at inalalayan ako. Mahigpit niyang ipinagsiklop ang mga kamay namin at hinila ako paalis.
Nakababa lamang ang tingin ko habang naglalakad kami. Namalayan ko na lang pagkaraan na nasa parking area na kami at papalapit sa kotseng dala niya. Ipinatunog niya iyon at agad na pinagbuksan ako ng pinto nang makalapit na kami.
Tahimik akong sumakay doon. Mabilis siyang nakaikot sa driver side at lumulan.
Tahimik pa rin ako habang nakamasid sa sulok ng aking mga mata.
Hinawakan niya ang manibela pero hindi pa rin naman niya ipinagana ang makina ng kotse.
Katahimikan muli.
Huminga ako ng malalim.
Hindi ko dapat sinabi iyon. Natakot ko yata siya o baka ---
"I can't believe this." Mahinang asik niya. "Dammit!"
Napalunok ako at tuluyang tumingin sa kanya. "I'm sorry."
"At bakit ka ba nag-so-sorry? Was it wrong that you like me? Dammit! Sobrang pinipigil ko ang sarili ko, eh." Marahas siyang napabuga ng hangin at tumingin sa mukha ko. "Do you feel sorry because you like me?"
Mahina akong tumango.
Natigilan siya.
"Hindi ko naman sinabi sa iyo yun para magalit ka o para magustuhan mo rin ako. I just wanted you to know that you are not rejected. Hindi kita ini-ignore at iniiwasan dahil ayaw ko sa'yo. Ginagawa ko yun dahil sa sarili ko. Dahil natatakot ako na lalong mafall sa'yo."
"Do you always do this?"
Nagulat ako at nagsalubong ang mga kilay. "Hah?"
"Sh*t!" Piksi niya. "You know i've been trying to tell you this in a way na hindi ka matatakot o lalayo sa akin. But everytime i tried to say the words, everytime i tried to do something i always freak out. But here you are. Saying this things. And you are afraid that i might get mad? Dammit! I am mad!"
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficción GeneralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...