Be Friend
Hindi naman ako nag-expect ng anuman. Akala ko lang may something pero wala.
Assumera lang pala ako.
The next fews day ay naging normal na araw na para sa akin. Yung tumawag si Heaven ta's hindi ko sinagot.... hindi na naulit iyon. Hindi na rin siya nagtext. So i guess ganun na lang yun. Mabilis pala siyang magsawa.
"Parang namumutla ka pa rin Leia. Nagpacheck up ka na ba?"
Napatingin ako kay Tina. Nasa second floor kami ng building at nakadungaw sa lobby ng buiding. Kagagaling lang namin ng cafeteria at napagpasyahan namin na tumambay muna sa spot na iyon. Nakikita namin iyong mga pumapasok at lumalabas ng building.
Umiling ako sa tanong ni Tina. "Hindi pa. Baka next week. Napapadalas din kasi ang migraine ko."
Actually, nakasabay ko lang ngayong araw na maglunch si Tina. Wala naman kaming masyadong napag-uusapan. Ngayon lang din nangyari na nagka-usap kami na ganito.
"Ahh, okay." Aniya at sumandal paharap sa may harang. May hawak siyang coffee at tumingin sa ibaba mula sa kinatatayuan namin. "Sina Heaven yun di ba?"
Napatingin ako sa direksyong tinitignan niya. Hindi pa naman malabo ang mga mata ko kaya nasiguro kong sina Heaven nga ang sinisipat ni Tina.
Nakatayo sina Heaven at Lawrence sa isang bahagi ng lobby kung nasaan ang ilang sofa na pwedeng paghintayan kapag may bisita. Nagtatawanan sila na tila may napag-uusapang maganda.
"Balita ko nakakuha sila ng malaking project ngayon. Yayaman na naman sila." Walang emosyong wika ni Tina. Sinabi niya lang para may topic.
"Talaga?" Huminga ako ng malalim at nanatili ang tingin kay Heaven.
He look so good and happy.
Ngayon naiisip kong sayang ang moment na nakasama ko siya at nakausap. Sana sinamantala ko na iyon para maging kaibigan ko siya. I can resort to being friend to him para lang malapit ako.
Ang babaw ko.
"Bayad ka na ba sa utang mo kay Heaven?"
"Hah?" Nagulat ako pero hindi ko na lang ipinahalata. "Oo. I guess."
Then nakita namin ang pagdating nina Ysmael. May kasama kasi itong magandang babae. Lumapit sila kina Heaven at Lawrence then nag-usap-usap na sila.
Napansin ko ang biglang pag-seryoso ng mukha ni Heaven.
"Si Ms. Sarah." Wika ni Tina.
Tinutukoy ni Tina yung girl na kausap ng tatlo. Si Ms Sarah ang head ng HR department namin ngayon. Maganda siya at may model height and looks. Ang alam ko, may malaking shares ang family nila sa kumpanya. Beauty and brain nga siya. Tapos tagapagmana pa. She definitely have it all. Lahat ng pwedeng kainggitan ng isang babae nasa kanya na. Marami ang lalakeng nagpapantasya at nanliligaw dito. Kung baga, siya yung female version nina Ysmael. Good looks, good family background, good career, good personality. Swerte pa dahil talagang ever since ay close siya sa grupo nina Heaven.
"Close siya sa tatlo noh. Sa tingin mo, sino kaya sa kanila ang naidate niya na?"
May pagka-intrimitida at pagka-tsismosa pala itong si Tina.
"Hah?" Napapilig ako ng ulo.
"Baka lahat." Sagot ni Tina sa sariling tanong. "Pero si Heaven ang pinaka-matagal at ang alam ko nga ay hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin siya kay Ms. Sarah. Nag-aaral pa lang 'ata si Heaven ay nanliligaw na ito kay Ms. Sarah."
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Fiksi UmumBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...