Page 32

493 12 0
                                    

Page 32

Isang katulad mo

Huminga ako nang malalim at agad sumuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy sa paligid. Dahan dahan akong nagmulat nang mata at unti unting sinanay ang mga mata sa liwanag.

Nadidinig ko yung iba ibang ingay. Marahan akong bumangon paupo at tumingin sa paligid.

Nasa...... ospital ako?

Napabaling ang tingin ko sa kamay ko na may nakakabit na dextrose.

"Miss?" May babaeng nurse na agad nakapansin sa akin at nilapitan ako. "Miss, buti gising ka na. Anong nararamdaman mo?"

Ginalaw nito ang dextrose na nakasabit sa gilid ko atsaka ako tinignan.

"O-okay lang."

Ngumiti siya. "Mabuti naman. Ang putla mo kasi nung dumating ka dito. Natakot yung nagdala sa'yo."

Yung girl? Napakunot noo ako.

"Nagmamadali din siya na umalis."

"Ahh..." napatango ako. "Gaano po ako katagal na walang malay?" Tanong ko ng matagpuan ko ang sariling boses.

"Hah?" Sandali itong nag-isip. "Siguro mahigit limang oras."

Napamaang ako sa gulat. "A-anong oras na?"

"Past nine na ng umaga." Pilit siyang ngumiti. "Pwede na ba kitang ma-interview para sa information?"

"Ah," mariin akong napakagat labi at marahang tumango.

Saglit lang naman akong kinausap nang nurse. Sinabihan niya ako na maaari na rin akong makalabas nang ospital after ng ilang test at kapag nakausap ko na ang attending doctor ko. Nakatulala lang ako habang nakaupo sa gitna ng hospital bed. Empty yung mga katabi ko na hospital bed at tahimik.

Huminga ako nang malalim.

Siguradong nag-aalala na sina Em at Bea sa akin. Sana pwede ko silang itext pero super lowbat na ang cellphone ko. Hindi kasi ako nakapagcharge kahapon.

Haist.

Napangiwi ako ng maramdaman ang pagkulo ng sikmura ko. Actually, hindi lang basta kumulo. Nag-ingay pa.

Mariin akong napapikit.

Aisht.

Hindi pala ako nakakain ng dinner kagabi. Sa dami ng nangyari ay nakalimutan ko na iyon. Ang hindi ko lang makalimutan ay ang sakit na naramdaman ko dahil kay Heaven.

Nasa ospital pala ako. Baka pwedeng magpareseta ng anestesia? O kaya malaking dosage ng pain reliever.

E-effect kaya yun?

Ilang minuto pa ang lumipas at bumalik na yung nurse at may kasama na itong lalakeng Doctor. Isang gwapong matangkad na Doctor.

"Miss Fuentes?" Mabilis na in-scan ng Doctor yung hawak niya na clipboard.

Tumango ako ng mahina. "Yes po." Pilit akong ngumiti pero hindi ko maintindihan kung bakit tila kinakabahan ako.

Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Is it okay if i ask you some questions?"

"Am..." napasulyap ako dun sa nurse pero saglit lang. "Si-sige po."

*****

Tahimik nang makabalik ako sa apartment namin. Nakalock din yung pinto, mabuti na lang at nabitbit ko yung spare key.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon