Pay Attention
Habang nasa jeep ay pikit ang mga mata ko. Sabi nga ni Em. Medyo may sinat pa ako pero kailangan kong pumasok. Sayang ang isang araw ko at kung hindi ko naman kayanin, pwede naman akong umuwi ng maaga.
"Good morning, Miss Fuentes." Magalang at masiglang bati sa akin ni manong Guard.
Nakangiti akong lumapit dito. "Good morning din po. Pauwi na po kayo?"
"Oo. Kayo naman ay papasok pa lang." Anito.
Night shift kasi si Manong kaya kapag umaga, pauwi pa lang ito at sa gabi naman ang pasok nito sa duty. Napakasipag nito at kapag nakikita ko siya, hindi ko maiwasang maalala at mamiss ang Tatay.
"Hindi ka ba naabutan ng malakas na ulan kagabi?" Tanong nito sa akin.
"Naabutan nga po. Kayo po buti nakapasok pa?" Nakangiting ani ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. May hang over pa ako ng saya.
"Sumugod ako sa ulan para makapasok." Nakatawang sagot nito. "Medyo masakit na nga ang ulo ko."
"Naku! Kung ganun po umuwi na po kayo para makapag-pahinga. Wait po." Agad agad kong binuksan ang bulsa ng backpack ko at kinuha ang baon kong gamot. "Inumin niyo po ito oh."
"Naku, hija. Okay lang." Tanggi nito.
"Okay lang po." Ibinigay ko na yung gamot. "Sige po. Mauna na po ako sa loob." Hindi ko na ito hinintay na makasagot.
Gusto ko sanang mag-abang sa pagdating ni Heaven. Gusto kong siguruhin kung hindi ba siya nagkasakit dahil sa ulan kagabi. Sana naman hindi. Kaya lang naging busy agad ako sa trabaho at nawala siya sa isip ko.
Kung kelan pa naman medyo masama ang pakiramdam ko saka naging toxic ang trabaho. Mabuti na lang at nakaya ko.
Isinama ako ni Boss Louie, ang aming senior head, sa isang meeting nila para kumuha ng minutes. Wala kasi ang secretary nito. Sa 35th floor pa iyon. Dahil dun ay nalate ako ng lunch. Mabuti nga at pinaglunch pa ako.
Nang matapos ko ang dokumentong pinagawa sa akin ay saka lang ako medyo naka-pahinga ng isip.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa aking office chair. Napapikit ako ng mga mata at bahadyang minasahe ang aking sentido. Sumakit ang ulo ko sa trabaho.
Haist. Magkakasakit na yata ako for real.
Kinuha ko yung bag ko at hinanap ang baon kong gamot tapos naalala kong ibinigay ko nga pala kay Manong guard kanina.
Tsk.
Bibili na lang ako.
Napatingin ako sa isang puting sobre na nasa bag ko.
Oo nga pala. Kailangan ko itong maiiabot kay Heaven bago mag-uwian.
Pero paano?
Napangiwi ako sa sarili.
Abala ang mga kadepartment ko kaya nagawa kong makalabas ng tahimik. Binagtas ko ang daan papunta sa kabilang department na katabi lang ng amin.
Sumilip muna ako sa pinto at hinanap ng mata si Heaven pero hindi ko ito nakita.
Hindi kaya siya nakapasok?
Tsk. Baka nagkasakit din siya.
Pumihit na akong paalis. Dumeretso ako sa elevator at nagpunta sa cafeteria. Marami pa ring tao dun. Papasok ay nahagip ko ng tingin iyong mga kaibigan ni Heaven. Sina Ysmael at Lawrence. May kasama silang ibang empleyadong babae at lalake pero wala si Heaven.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficción GeneralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...