Page 58
Won't give her a chance
[Vann]
MAAGA pa lang kinabukasan ay nasa office na ako. Pero lumipas lang ang oras sa paghihintay. Nainip lang ako.
"Oh, tol." Bungad ni Xyrus sa may pinto ng office.
Tahimik lang akong nakaupo sa may pahabang sofa na nasa gilid ng receiving area. At ng dumating si Xyrus, tinapunan ko ito ng pailalim na tingin.
Naiirita ako sa paghihintay. I don't even know why.
"O? Ba't ganyan ang itsura mo? Beastmode? Ang aga-aga?" Naupo siya sa pang-isahang sofa sa gilid at malapit lamang sa pwesto ko.
Napabuga ako ng hangin. "Nandito ka na naman? Wala ka talagang magawa?"
"Ganun talaga!" Nakangising iling nito. "Bakit ba ang init na naman ng ulo mo?"
"Wala kang pakealam." Piksi ko.
"Grabe sya!" Nailing na lang ito.
Then biglang bumukas iyong pinto at pareho kaming nagulat ni Xyrus.
Napaupo ako ng deretso. Akala ko ito na yung hinihintay ko pero hindi pa rin. Pumasok si Lola at may kasama siyang isang babae.
Sabay kaming napatayo ni Xyrus.
"Lola?"
"Apo? Xyrus?" Napangiti si Lola pagkakita sa amin at humakbang palapit.
Sinalubong na namin ito. Nagmano ako at gayun din ang ginawa ni Xyrus.
"Apo, ba't nandito ka? Hindi ba dapat ay nasa bahay ka lang at nagpapahinga?"
Pilit akong ngumiti. "Okay lang po ako."
"Kayo po Lola? Bakit kayo ang nandito?" Tanong ni Xyrus.
"Ah, sinamahan ko lang itong si Roseanne para makita ang magiging trabaho niya." Tumingin siya sa babaeng kasama.
Ngumiti iyong girl sa amin at nakipagshake hands sa akin at kay Xyrus. Maikli ng buhok nitong hanggang balikat. Morena.
"Trabaho?" Si Xyrus.
"Yup." Tango ni Lola. "Inventory clerk."
Napakunot noo ako. "Bago?"
"'Di po ba, posisyon iyon ni Leia?" Wika ni Xyrus.
Natigilan naman ako.
"Oo. Pero nagpaalam na sa akin si Leia dahil magiging sobrang busy na niya sa simbahan kaya, eto, kumuha na ako ng bago."
"Nag-resign na ho si Leia?" Pinilit kong huwag ipakita ang pagkabigla.
"Parang ganun na nga. Sinabi niya rin naman sa umpisa pa lamang na hindi siya magtatagal, tama." Tango ni Lola. "O, iwan ko na muna kayong magkaibigan dito." Ngumiti siya at umalis na kasama iyong bagong hired na staff.
Bumuntung hininga ako ng malalim at mahaba.
Why do I feel bad about this? Parang may mali.
"That was weird. Bakit bigla na lang nag resign si Leia?"
Ganun din ang tanong ko sa isip.
Hindi kaya dahil sa akin?
Sht!
Wala akong maisip na sapat na dahilan.
Wala din naman akong ginagawa sa farm at ganun din si Xyrus kaya napagpasyahan namin na puntahan si Leia.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...