Page 40
Sa'yo
"OH, MY GOD!"
Gulat akong napa-angat ng tingin ng marinig ang malakas na tili na iyon.
Papasok na sana ako ng restroom at nasa bungad na ng pinto pero dahil may tumili akala ko may kung anong nangyari sa loob. Napahinto tuloy ako.
"Totoo ba?" Boses nung tumili na babae.
Lihim akong napahinga ng malalim. Bakit ba kay hilig nilang magtsismisan sa loob ng restroom?
"Totoo. Sarah called off the wedding." Sagot ng isang boses.
Tila tinamaan ako ng kidlat sa narinig. Wa-what?!
Kumabog ang puso ko.
"Bakit daw?"
"Dahil kay Heaven. Mukhang nagkaka-unawaan na yung dalawa. Lagi silang magkasama this past few days. Di ba nga? Ayaw na tayong samahan ni Sarah."
So, mga kaibigan pala ito ni Ms. Sarah.
Napalunok ako.
Nagkakaunawaan na sina Ms. Sarah at Heaven? Bakit 'di ko 'ata alam yun?
"May girlfriend si Heaven?"
"Like you never knew Heaven?"
Bumagsak ang mga balikat ko at umatras. Hindi ko na tuloy nagawa yung dapat gagawin ko sa restroom.
Tama. Alam na ng lahat sa office na girlfriend na ako ni Heaven. Alam na ng lahat. Pero..... pero.....
Mariin akong napapikit at umiling.
Hindi ko alam na hindi na itutuloy ni Ms. Sarah ang kasal. Bakit? Dahil ba narealize niyang mas kailangan niya si Heaven?
Ito na nga bang kinatatakutan ko. Paparating na. Malapit ng mag-end ang fantasy ko.
Haist.
"Nagri-ring phone mo." Agaw pansin sa akin ni Tina.
Napatingin ako sa kanya then sa phone ko na nagba-vibrate sa may mesa. Matapos ng narinig ko na iyon sa restroom ay nawala na naman ako sa focus.
Haist.
"Oh?" Agad ko iyong tinignan at nakita ang pangalan ni Em na tumatawag. Bumuntung hininga ako ng malalim bago iyon sinagot. "Hi, Em."
"Hello. Saan tayo magkita?" Bungad niya.
"Ummm, dun na lang." Sininop ko agad iyong mga gamit ko sa mesa at nilagay sa bag. Tumayo na rin ako.
"Papunta ka na ba?"
"Paalis na ko ng office." Kinalabit ko si Tina para magpaalam.
Nilingon niya ako at tumango. Dumeretso alis na ako. May ilang bagay pa kaming pinag-usapan na may kinalaman sa plano ngayong gabi.
"Okay. Ingat ka."
"Ingat din kayo." Nakangiting saad ko.
Pinindot ko yung button ng elevator at agad naman iyong bumukas. Hindi ko nga lang inaasahan kung sino yung makakasabayan ko.
Para akong nagdalawang isip sa gagawin na pagpasok sa elevator pero nagawa kong humakbang papasok.
Tsk.
Tahimik akong tumayo sa sulok ng elevator. Hindi ko magawang makatingin sa kanya kaya lang nagsalita siya.
"I bet you've heard about the news?"
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficção GeralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...