Page 38

469 15 0
                                    

Page 38

Three is a crowd.

Napalunok ako sa narinig na sinabi niya. I felt my heart jumped in place. Nakakaloka. Natatanga na naman ako.

Huminga ako ng malalim at kumalas mula sa pagkatitig sa mga mata niya. Alam ko.... alam ko na kapag nagpatuloy akong tumitig sa mga matang iyon, susuko ang puso ko.

"Lasing ka na ba?" Tinignan ko na siyang muli sa mukha pero mabilis lang.

He pout. "Nope. Mukha ba?"

Pilit akong ngumiti. "Mukha."

"I'm not that drunk Leia." Bahadyang dumilim ang aura niya.

I know he can be serious at times pero hindi ko kayang malaman kung kelan siya seryoso at kailan hindi. I think i already have my own trust issue with him.

"Okay." Tango ko ng mahina at bumaling ng tingin sa ibang direksyon.

"You don't believe me?" Aniya.

"Hindi sa ganun." Umiling ako ng mahina.

"I know you don't trust me, Leia. Kasalanan ko din naman." Mahinang wika niya.

Hindi ako nakaimik.

"Niloko kita at nasaktan. I admit i was so wrong about that. I'm so sorry. But i want you to know. Sinubukan ko na itigil yung deal."

Bigla akong napatingin sa kanya at agad nagsalubong ang mga mata namin. Lihim akong napasinghap. "You did?"

Mabilis siyang tumango. "Yeah. I know it's wrong na ang original naming deal ay ang ---"

"Alam ko na iyon, Heaven." Pilit akong ngumiti. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Though i felt embarrased knowing that fact.

Hindi naman ako pa-naive na girl. Open-minded ako kahit paano.

Ang deal nila ay ang makuha ako. Mai-kama. Yun ang alam kong totoong deal nila.

"Sorry." Mariin siyang napapikit saglit bago muling tumitig sa akin. "I don't even know why I agree on that pero I'm glad that it didn't happen. I mean.... it didn't happen because of that nonsense deal. You don't deserve to be treated like that."

Itinikom ko ang aking labi. Hindi ko magawang tagalan ang pagtitig sa mga mata niya. Napunta sa kanang kamay kong nakapatong sa kanyang balikat ang tingin ko. It was the safest i could do.

"Nang makilala kita nang husto. Sa araw araw na nagkasama tayo. I realized what a coward i will be kung ipagpapatuloy ko ang deal."

Bumuga ako ng hangin. "What did you do?"

"I was determined to let go of the deal."

Kunot noo akong napatingin sa mukha niya. "What?! Bakit mo gagawin iyon?!"

"Because it doesn't worth anything anymore."

Napasinghap ako.

I don't know of its real. Mukha siyang serysoso.

Marahan na humaplos ang kamay niya sa pisngi ko and smiled sadly.

"I couldn't afford to lose you for it. Nakita ko na mas mahalaga ka kesa sa deal. I'm sorry, late ko na iyong narealize."

Unti unting nag-init ang mga pisngi ko at umakyat iyon sa mga mata ko. I felt my hand tremble.

Nagsasabi ba siya ng totoo? O baka sinasabi niya lang ito dahil sa ibang dahilan?

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon