Page 80
Iisa lang
[Vann]
"WHY ARE you here?!" Nag-angat ako nang tingin at nakita siyang nasa malapit na.
She was pale. Bagsak ang balikat. Huminga siya ng malalim at pilit ngumiti. "Mag-usap tayo."
"Fck! Sinabi ko nang---"
"Iiwan ko na kayo para makapag-usap." Singit ni Xyrus. Kinuha na niya ang kanyang susi at lumakad papunta sa pinto. "I'm exhausted. Hindi mo ba alam kung anong pinaggagawa ko para sana sa.... tsk. Nevermind. I'll just go ahead. Wag niyo na kong ihatid. I can manage." He babbled habang paalis.
"Salamat." Wika ni Lei sa kanya.
"Damnit! You're an as**ole!!"
Umismid lang si Xyrus.
Damnit!!
Sinulyapan ako ni Leia ng pailalim.
Well, she's not fond of curses. Ever since.
Katihimikan ang namagitan sa amin ng tuluyan nang makaalis si Xyrus. Bumuntung hininga ako ng malalim.
Muli akong nagsalin ng alak sa kopita.
"Pwedeng maupo?"
Tiim bagang. Mariin akong pumikit at mabigat na napabuga ng hangin.
"Just leave. Wala ako sa mood pang makipag-usap."
"Hindi pwede." Mahinang wika niya.
Nag-angat ako ng tingin.
"Remember?" Bumuntung hininga siya. "Hindi natin pwedeng palagpasin ang isang araw nang may hindi tayo napagkakasunduan. Ikaw ang nagsabi nun sa akin."
"Sht! Can't you see me?" I frustratedly hissed.
"Nakikita kita." Marahan siyang naupo sa sofa na nasa tapat ko.
Muli akong bumuntung hininga. "What do you want?" Deretso ko siyang tinignan.
"Sorry, Vann." Mapait siyang ngumiti. "I'm sorry for everything."
"Ano ba ang ipinag-so-sorry mo? Sorry ka ng sorry?! Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangang makita na naman kita na kasama yung ex mo! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong sabihin na.... na..... may sakit ka. For God sake! Why are you doing this to me?"
Punong puno ng hinanakit ko iyong nasabi. I cannot stop myself from spilling all my sentiments.
"Hindi ko gustong mangyari ito."
"Hindi mo gusto pero ginagawa mo pa rin! Eh, anong gusto mo?"
Nagbaba siya ng tingin at sandali kaming natahimik. Nang mag-angat siya ng tingin ay kita ko ang pagsisikap niyang mapatatag ito.
"Gusto ko.... gusto kong makipag-break ka sa akin."
"B**lsht!"
Naihagis ko sa kung saan iyong kopitang hawak ko. I death glare at her but she kept her gaze at me.
Pucha!! Ngayon talagang galit na ko!!!
"Yun talaga ang gusto mo?! Makipagbreak ako sa yo?" Halos mapatawa na ko. I'm actually going crazy for this girl. "Bakit hindi ikaw ang makipagbreak?! Bakit kailangang ako?!"
"Kasi... hindi ko kaya. Wala akong makitang dahilan para makipagbreak sa yo. Ayoko."
"T*ng**a!! Pinaglalaruan mo ba ako?! Ano bang akala mo sa relasyon natin?! Malaking laro?!"
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...