Page 79

369 10 0
                                    

Page 79

Mag-usap

[Vann]

KAHIT SOBRANG excited na akong makita at makasama si Lei, hindi muna ako nagpakita sa kanya.

Napaaga kasi ng dalawang araw ang uwi ko and now I am very excited to suprise her.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa maliit na box na hawak ko.

It was a blue box. Kanina lang ito dumating dahil pinasadya ko ito ng order.

I'm going to ask Leia to marry me for real.

Ngumiti ako.

Hindi na talaga ako makapaghintay.

Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ng ilang katok sa may pinto ng aking office. Mabilis akong lumingon and then I saw him enter the room.

"You're back." Aniya habang humahakbang papalapit sa aking malaking office desk.

Umalis na rin ako sa tapat ng kinatatayuan kong large window at lumapit sa mesa ko. Sliding the box inside my suit's pocket. Pumuwesto ako sa likod ng aking swivel chair.

"Hi, Dad." Tumango ako.

Naupo siya sa tapat ng aking mesa and he scanned the place with his sight. "Hindi mo ipinaalam na darating ka na. Sana nagpasundo ka sa airport."

"Theres no need for that. Kaya ko naman."

He looked at me then. "Pupunta ka mamaya hindi ba? Hindi pwedeng hindi dahil nung nakaraang araw pa dumating ang Lola mo. She's looking forward to see you."

"I know." Lihim akong napangiti.

I asked Lola to come. Syempre, kailangang nandito siya para masaksihan ang pagpropose ko kay Leia.

"Your Mom's probably home right now." Aniya pa.

"I'll call her to confirm. How about Ysa?" My little sister.

"Kahapon pa siya dumating." Sagot niya.

"I see."

"Are you going to bring her?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Yes."

"Okay. That's good. I really want to have a chat with her. Hindi naman pwedeng wala akong alam tungkol sa kanya."

Hindi ako umimik.

"Your Mom's telling me that she's a very nice girl. Maganda at talented."

"Nakita niyo na siya nung masked ball."

"But that was different. Wala akong oras upang masipat siya ng matagal. I don't know if I'll like her."

"You don't have to. Magugustuhan mo siya at kung hindi mo man siya magustuhan. I don't care. I am still going to marry her even if you disaggree."

He laugh silently. Napakunot noo ako.

What's funny about that?

"Mukhang seryoso ka na talaga sa kanya. Well, hindi naman kita pipigilan since nasa tamang edad ka na. Alam mo na ang kailangan mong gawin. I just don't want another mess."

"I'm not." Napabuga ako ng hangin.

"Maganda ang naging resulta ng conference."

"I have meet some prospect investor. One of this day I think they'll be contacting us."

"Very good." Tumango siya. "Mukhang wala na nga akong mairereklamo sa soon-to-be-fiancee mo."

Nagtataka ko siyang tinignan.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon