Page 1

1.3K 27 0
                                    

Hiwaga ang ulan

Hindi nawala ang saya sa kalooban ko hanggang sa makauwi. Minsan hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sarili habang nasa biyahe. Dyahe nga lang na baka mapagkamalan akong baliw. Para talaga akong sira.

Pagdating ko sa one room apartment na tinutuluyan namin ay agad akong nagpalit ng damit at nagsimula ng maghanda ng lulutuin. Araw ko ngayon. Araw ng toka sa pagluluto. May dalawa pa akong kasama sa apartment. Sina Bea at Em. Mga BFFs ko sila since college.

Si Bea, BEATRIX Nicole Ramos, ay isang Advertising consultant. Samantalang si Em-Em or MADISON Medrano ay office staff naman. Magkakaiba kami ng ugali pero okay lang dahil sa gitna ng lahat nagka-intindihan din kami.

Si Bea, medyo liberated syang mag-isip. Mataray din siya kung minsan at very out going.

Si Em naman ang medyo ka-close ko. Tahimik lang din siya at masungit. Well, sabi nila yun, masungit daw siya, pero sa amin, di naman siya ganun kasungit. Mature lang din siya mag-isip at cautious.

Naging magka-klase kami noong college sa isang subject. Parepareho kasi kaming irregular students so obligado na kami mismo ang maghanap at mag-ayos ng schedules namin. Scholar kasi ako noong college same kay Em. Hindi nalalayo ang course kong Marketing sa Management Accounting ni Em so nagkasabay kami sa ilang subject. Samantalang si Bea ay Advertising ang kinukuha pero dahil maligalig ang buhay niya at malapit lang ang building niya sa amin ni Em palagi kaming nagkikita na tatlo.

Sa ganun nag-umpisa ang friendship namin. Random lang. Walang malalim na pinag-ugatan pero sa pagtagal ng panahon, tumibay at lumago.

Noon din kami nagkasundo na after college ay bumukod na sa family namin.

Ako. Plan ko na talaga yun kahit mahirap at ayaw ko na malayo sa nag-iisa kong kapatid. Pero no choice. Alam ko sa sarili ko na hindi ako mag-go-grow kung hahayaan ko ang sarili ko na nakadepende sa pamilya. Sa pagiging malayo ko sa family, sila ang naging inspirasyon ko sa pagsisikap at lahat lahat ng bagay. Kaya para sa akin.... ang distance hindi mahalaga sa mga buhay na pinag-kabit ng tadhana.


Malakas ang background music kaya napapakanta din ako.

"Don't wanna wake up alone anymore.... still believing you'll walk to my door .... all i need is to know its for sure then i'll give ...."

"Oi, may masaya." Biglang may nagsalita mula sa likod ko.

Napatalon ako sa pwesto dahil sa gulat. Agad akong lumingon at hinila patanggal yung headset na nasa tenga ko. "Bea?"

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko napansin na dumating na sila.

"Pakanta kanta ka habang nagluluto. Masaya ka?" Nakangising aniya at pabirong tinapik ako sa balikat.

Nakatawang hinawi ko ang kamay niya. "Hindi noh!"

Nagdeny pa ako eh, halata naman.

Saka ko lang napansin na nasa likod na rin si Em. Kumaway ito sa akin at ngumiti.

"Kanina pa kayo?"

"Oi, change topic agad." Lalong napangisi si Bea. "Wag mong baguhin ang topic. Ba't masaya ka? Anong nangyari?"

"Bibili na ba ako ng pizza?" Nakisali na sa usapan si Em. Humalukipkip siya at makahulugang ngumiti.

"Oi, hindi! Wala naman eh." Iling ko saka napangiti.

"Oh! May something talaga eh. My God! Ano? May boyfriend ka na? Mag-celebrate tayo!" Excited na wika ni Bea.

"Wag nga kayo!" Pigil ko sa dalawa. "Ihahanda ko na ang pagkain. Siguradong gutom na kayo."

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon