Page 47
Good
[Leia]
Maaga akong nagising kinabukasan.
Naghanda ako ng mainit na tubig para makapagtimpla ng kape. Yung three in one na coffee ang tinimpla ko pero yung hindi gaanong matapang na flavor katulad noon. May mga stocks din ako ng biscuits at tinapay at iyon ang ina-almusal ko sa umaga.
Pagkaraan ay lumabas ako ng bahay para makahinga ng sariwang hangin. Malamig lamig pa ang panahon dahil sa hamog na naiwan. Pero okay lang.
Wala akong gagawin ngayong araw kaya balak ko na maglinis na muna ng bakuran at bahay. Sisimulan ko na iyon ngayon.
Nag-stretching pa ako ng ilang minuto bago nagstart.
Nagwawalis ako ng bakuran sa likod na bahagi ng bahay nang makarinig ako ng konting ingay mula kung saan. Napahinto tuloy ako sa ginagawa at tumingin sa paligid.
Napakunot noo ako. Nawala din naman yung ingay kaya nagpatuloy na ako sa ginagawa hanggang sa may tumawag ng pansin ko.
"Psst." Boses kung saan.
Mula sa likod ko yung boses. Mabilis akong napalingon sa gumawa nun then nakita ko yung mayabang na lalake na nakatayo sa harap ng railings at nakalean-paabante doon. Ngumiti pa siya at nag-wave na isang beses.
"Good morning." Bati niya.
Bahadyang napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ko naman ipagkakailang ang gwapo niyang tignan. Kung hindi lang sana masama ugali niya. Ganito kaya siya lagi kapag umaga? Para siyang anghel.
Tss.
Napapilig ako ng ulo at kumunot noo. Bakit ko ba siya pinupuri? Hindi ko naman siya kilala?
Tss. Simangot sa sarili.
Eh, bakit niya ba ako kinakausap anyway?
Kasi wala siyang mapaglipasan ng oras? Ano 'ko? Past time niya?
Wait lang?! Bakit yung tanong ko sagot ko rin?! Aisht!
Napailing na lang ako.
"Wala man lang bang reply?" Narinig kong wika niya.
Natigilan ako saglit then bumuntung hininga. Kawawa naman siya kung 'di ko kakausapin eh. "Good morning. Anong ginagawa mo dyan?"
"Wala naman." Ipinasiklop niya ang dalawang kamay habang nakapatong ang mga siko sa kahoy na railings bilang support. Para siyang nananalangin. "Gusto ko lang bisitahin ngayong umaga yung bago kong kapitbahay."
Binigyan diin niya pa yung salitang kapitbahay.
"Seriously. Panu naging kapitbahay? Eh, magkakalayo ang bahay dito?" Mahinang sabi ko.
Hindi ko na ipinarinig sa kanya kasi baka lalo lang maasar.
"Ang aga mo palang gumising?" Aniya.
Oo. At ang aga mo ring manira ng araw. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Nasanay na ko."
"Mag-isa ka lang dyan?" Mabilis siyang sumulyap sa bahay na tinutuluyan ko.
"Oo." Ipinagpatuloy ko na yung pagwawalis.
"Hindi ka natatakot mag-isa?"
Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin sa tanong na yun.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Fiksi UmumBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...