Page 64
Alaala
"OKAY. This will be our second last practice bago ang fiesta next week. Alam kong excited na kayong lahat. And thank you dahil hanggang ngayon ay magkakasama tayo." Nakangiting sabi ko sa mga bata matapos naming mag-prayers at hinayaan nila muna ako na makapagsalita ng ilang bagay.
Nasa bakuran na kami ng bahay at naghahanda na para sa another practice.
Masiglang nagpalakpakan ang mga bata.
Sandali akong pumasok sa loob ng bahay para may kunin. Saglit lang naman ako at nang bumalik ako sa labas ay napansin ko ang kakaibang pagtatawanan ng mga bata. Nilapitan ko si Yumi na nakatalikod mula sa akin.
"May nangyari ba?" Sinuot ko yung glasses ko. Hindi ko na masyadong maaninag yung mga bata sa pwesto nila kanina.
"Hah? Wala naman." Nakangiting sagot ni Yumi.
"Start na tayo." Aya ko sa kanya.
Naupo na ako sa tapat ng keyboard. Nasa gilid ako ng mga inuupuan ng mga bata. Yung tingin ko ay nasa clearbook na nasa harap ko din.
"Stand up!" Utos ko sa kanila para makapagsimula na ng vocalization. Sumunod naman sila as usual.
Hindi pa kami kumpleto dahil may ilang bata na hindi pa dumadating. Sila yung mga may pamilyang nakatira sa bayan.
In-start na akong tumipa sa keyboard ng vocalialzation keys. Nakikinig naman sa mga bata ang kabila kong tenga.
Bahadyang umangat ang kilay ko nang may mapansin na kakaiba sa tunog nila. Pinaulit ulit ko yung vocalization at tumingin na sa kanila.
Hanggang sa..... may mapansin akong nakaupo sa gitna nang mga nakatayong bata.
Ipinilig ko ang aking ulo upang dungawin kung ano iyon then napahinto na ako sa pagtugtog.
"Huy!!" Biglang bulalas ko nang makilala kung sino yung nakita kong nasa gitna ng nga bata at nakikikanta.
Nagtawanan yung mga bata maging si Yumi.
Napatingin naman sa kin yung sinita ko.
Tsk. Panu syang napunta dun?!
"Vann, anong ginagawa mo dyan?!" Sita ko dun sa istorbo. Kaya pala may kakaiba sa tunog ng mga bata. May nakikisali pala na isip-bata.
Tumayo si Vann at bahadyang yumuko habang nakatingin sa kin. Ngumisi siya at pabirong sumagot. "Magpapractice, teacher."
Natawa naman ako kasabay ng lahat sa paraan ng pagsasalita niya. Inipit niya yung boses niya para magboses bata. "Sira ka, Vann. Umalis ka nga dyan. Nangggugulo ka lang eh."
"Hindi naman ah." Natural voice niya na. Tumingin pa siya sa mga katabing bata. "Naistorbo ko ba kayo?"
"HINDI PO!" In chorus na sagot ng mga bata at sinundan na naman ng mahihinang hagikgikan.
"See?" Nakangising baling sa kin ni Vann.
Napabuga ako ng hangin. "Wag ka ng makisali sa kanila. Matanda ka na."
Natawa siya. "Maka-matanda ka parang ang bata mo pa. Pareho lang naman tayo ng age."
"Kelan?" Humalukipkip ako habang nakangiti.
"Last three years."
Nailing na ko.
"Hayaan mo na siya, Leia. Pangarap talaga niyang maging songer eh. Pagbigyan na." Natatawang ani Yumi.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...