Page 16

524 14 5
                                    

Page 16

Not a good lover

Mabuti na lang at sinegundahan ako ni Em kundi... bigti na.

Mariin akong napakagat labi matapos kong sabihin iyon.

Friends?! Friends kami?! We're not friends. Sana pwede kong ipagsigawan na more than friends pa kami pero hindi eh. Hindi pwede.

Buntung hininga ng malalim at napatingin kay Heaven.

Kung nakakamatay lang ang titig, malamang kanina pa ako patay. Sobrang talim ng tingin sa akin ni Heaven ngayon, parang gusto na niya akong balatan ng buhay. Napangiwi ako sa sarili.

Bakit ba? Iniligtas ko pa nga siya sa kahihiyan 'di ba?

Nag-iwas na lang ako ng tingin mula sa kanya kahit sa ilalim ng lamesa.... nangangatog na ang mga tuhod ko.

"Yun naman pala." Basag ni Ysmael sa katahimikan ng grupo namin. "Let's continue our dinner okay."

Huminga ako uli ng malalim at nagpasalamat na lamang sa isip dahil sa ginawang iyon ni Ysmael. Nagpatuloy kami sa pagkain pero panaka-naka na lamang ang usapan. Lalo tuloy akong nawalan ng ganang kumain.

Ilang saglit pa at may isang lalake na lumapit sa mesa namin. Particularly kay Ms. Sarah. Matangkad ito at malaki ang built ng katawan. Halatang alagang gym. Nakangiti ito na abot tenga.

Sinundan ko ng tingin si Ms. Sarah ng tumayo ito at sinalubong yung lalake. They kissed.

Napamaang ako.

They kissed sa cheeks pero halata ko na agad na may something.

"Guys, ipapakilala ko sa inyo." Nakangiting agaw ng pansin ni Ms. Sarah sa aming lahat. "Boyfriend ko pala. Si Oliver."

Napatingin ako sa gawi ni Heaven habang nakaawang pa rin ang labi. Nakatungo lang ito ng mukha at halatang umiiwas ng tingin.

Alam niya kaya?

"Tol, tara. Sabayan mo na kaming magdinner." Wika ni Ysmael.

So they know him na.

Naging malikot ang mga mata ko sa paligid. What is this now?

"Sige lang. I'm with friends din kasi." Nakangiti pa ring wika nung Oliver. "I just want to greet my girl. Kain lang kayo."

Mukha siyang mabait. I guess.

Hindi ko maialis ang tingin kay Heaven. Nasasaktan ba siya? Nagseselos?

Sandaling umalis sa mesa namin si Ms. Sarah at ito naman ang ipinakilala ng boyfriend nito sa mga kasama.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit kay Ms. Sarah. Gusto siya ng lahat. Mabait sa kanya ang lahat. Nasa kanya na halos lahat. Sa ganitong pagkakataon ko nare-realize na hindi talaga fair ang mundo. May bagay ka na gusto na hindi pwedeng maging iyo.

Muli akong tumingin kay Heaven. Patuloy lang naman sa pag-uusap sina Ysmael, Lawrence at yung dalawang friends na kasama ni Ms. Sarah. Si Heaven naman, tahimik lang.

I can understand his situation. Ganun din kasi ako ngayon. Pareho kaming nagmamahal sa taong imposible naman kaming mahalin pabalik. I think i know where he's coming. Kaya siguro niya ginagawa ang mga ginagawa niya. Kaya siguro hindi siya nagseseryoso sa relasyon. Kahit ilang girls pa ang dumaan sa palad ng isang Heaven Sandoval. Wala nang makakakuha sa puso at pagmamahal niya dahil ibinigay na niya ito sa iba. Kay Ms. Sarah.

Ang stupid ko naman!

Alam ko na iyon pero anong ginagawa ko?

Mabigat akong bumuntung hininga.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon