Page 50
Hindi mo nakita
[Vann]
Napilitan na akong sumama sa kasal na aattendan nina Xyrus. Sinadya pa niya ako sa hacienda para lamang doon. Pero sa reception na kami nagpunta at hindi sa simbahan at maggagabi na rin iyon.
Kababata kasi namin iyong babaeng kinasal so wala talaga kaming ligtas na hindi ito puntahan. Nagkataon naman na noong papunta na kami ay nakasabay namin si Trina at doon din ang punta. So, we ended up attending the wedding reception with her.
It's not that I dislike weddings pero sumasama talaga ang mood ko sa mga ganitong okasyon. Maybe I was still bitter.
Definitely I am still bitter. Hindi naman madaling kalimutan ang nakaraan. Hindi ko malilimutan ang nakaraan.
Hindi ko naman in-expect na makikitang muli iyong bago kong kapitbahay sa event. Bago lang naman siya sa bayan so panu siyang maiimbitahan? But then I realize, nakilala nga pala niya si Rico. Yung isa sa kababata namin at pinsan ng kinasal. Though mas bata ito sa akin. Magkaibigan nga pala sila ng aking new neighbor kaya malamang na ma-invite siya kahit short notice.
Magkaibigan nga lang ba?
Lihim ko silang pinamamasdan mula pa ng pumasok kami sa venue ng event. Magkatabi sila sa upuan. Pinagsisilbihan pa ni Rico ang dalaga. Tsk. May pakuha kuha pa ng tubig? Wala ba siyang sariling paa para kumilos at tulungan ang sarili na kumuha ng nun?
Tss.
Why am I concern?
Nang maupo kaming tatlo nina Xyrus at Trina sa mesang kinapupuwestuhan din nila. Makailang beses lang siyang tumingin sa akin. Una nung maupo kami. Pangalawa ay noong ipakilala kami sa isa't isa. Yun lang. Tapos simpleng tango at konting smile lang ang binigay niya sa akin bilang bati. Pero kay Xyrus may pa-Hi-Hi pa.
Tsk. Anong gusto niyang palabasin?
"Umiinom ka ba Leia?" Boses ni Xyrus.
Napatingin ako sa gawi nila lalo na ng ilapag ni Xyrus sa tapat nito yung bote ng alak. Light lang naman iyon.
Tsk. Bad influence din itong si Xyrus. Hindi niya ba napapansin na halos buto't balat na lang yung babae ta's aalukin pa ng alak?
"Hindi." Mabilis na wika ni Leia sa tanong ni Xyrus. Umiling pa siya ng mahina at pilit ngumiti.
Tama. Sa wakas ay nag-iisip na ito ng tama.
"Hindi siya umiinom. Akin na lang toh." Sabat naman ni Rico atsaka kinuha yung bote na nasa harap ni Leia.
"Tss." Hindi ko napigilan ang pag-ismid ko. Umiwas ako ng tingin at binalingan iyong bote na hawak ko.
Tsk. Masyadong pa-Hero.
Nakakairita talaga ng ugaling ganun. Feeling good boy. Feeling gentleman. Kung hindi ko pa alam. Siguradong type niya lang yung new neighbor ko kaya nagpapa-impress.
Tsk. Tsk.
Then nagkaayaan naman sila na kumanta. Ewan ko ba kung saan naman nakuha ni Trina ang ideyang pakantahin si Leia? Ano naman ang gusto niyang patunayan?
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...