Page 48
Hateful
"Gusto sana kitang i-hire." Narinig kong sabi ni Senyora Alva.
I am not sure sa isasagot ko kaya nanahimik na lang muna ako. Nagulat kasi ako. Parang wala naman akong maalalang nag-apply ako ng work.
I mean.... hindi naman talaga ako nag-apply ng work.
"Hindi naman regular work ito, hija. Seasonal lang. Hanggang ngayong buwan ng harvest lang. So hindi kailangan na lagi kang nasa hacienda. You still have your free time and all."
"Ga-ganun po ba?" Napatango ako. So para lang palang part time job .
"Alam ko na nagse-serve ka sa simbahan at may pinaghahandaan kayo. Sigurado namang hindi nito maaapektuhan ang schedule mo. Dahil ikaw pa rin ang may hawak ng oras mo. Tama ba ako? Hindi naman siguro ganun ka-hectic ang schedule niyo sa simbahan?" Nakangiting ani Senyora Alva.
Mabilis akong umiling. "Ayy! Hindi po. Actually po, marami pa po akong free time kaya tatanggapin ko po ang offer ninyo." Ngumiti ako. Hindi na talaga ako nagdalawang isip sa bagay na ito. "Salamat po sa pag-alok at sa tiwala Senyora."
Maluwang siyang napangiti. "Ako ang dapat magpasalamat dahil pumayag ka."
"Makakatulong din po ito sa akin habang nag-s-stay po ako rito." Nakangiting sabi ko.
"Balak mo pa rin bang umalis hija?" Bahadya itong kumunot noo.
"Ahh," tsk. Bakit ko na ba nabanggit yun? Pilit akong ngumiti para palisin yung biglang kabang bumundol sa dibdib ko. "Opo. Hindi po talaga ako naka-plan na mag-stay ng matagal Senyora."
Tumango tango siya then bumulong. "We can still work that thing out."
Napakunot noo ako sa narinig. "Ano po yun?"
"Hah?!" Bigla itong lumingon sa akin. Hindi nito in-expect na maririnig ko yung sinabi niya. "Ah, wala. Wala naman, Stella. So, i'll be seeing you then?"
"O-opo."
"Wala ka bang cellphone? Para tatawagan ka na lamang namin kapag kailangan ka na sa hacienda?" Tumayo na ito at medyo inayos ang damit na suot.
Tsk.
"Uhmm...." alanganin akong sumagot. "May cellphone po ako pero bibili pa lang po ako ng bagong sim."
Napatingin siya sa mukha ko at umarko ang mga kilay. Wala itong sinabi.
"Ahm," pilit uli akong ngumiti. "Kunin ko na lang po -- i mean --- yung number nyo na lang po ang hingin ko then iti-text ko po kayo kapag nakabili na po ako ng bagong sim."
Tumango at ngumiti si Senyora Alva. "Sige, Stella. Ganun na nga lang ang gawin natin. Pero aasahan kita bukas sa hacienda para sa training. Ayoko namang isabak ka sa trabaho ng hindi ka handa. Okay lang ba?"
"Opo. Okay lang po. Maaga po ako roon bukas." Ngumiti ako.
"Sige. Dumaan ka sa mansyon para makapag-usap muna tayo."
Saglit pa ay nagpaalam na rin si Senyora Alva at umalis. Hinatid ko ito hanggang aa sasakyan lamang. Nakakatuwang isipin na sinadya niya pa ako para lang i-offer ang trabaho na iyon. Pwede namang iutos na lamang niya sa iba, right.
Napabuntung hininga ako ng malalim tapos ay bumalik na uli sa loob ng bahay. Dumeretso ako sa kwarto at sandaling natulala sa hangin.
Cellphone?
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficción GeneralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...