Page 8

590 16 2
                                    

Fictional character

Sa isang Pilipino restaurant kami nagpunta. It was my first time though. Hindi kasi ako mahilig kumain sa labas. Magaling naman magluto si Em kaya okay na ako roon. Tapos nagluluto din naman ako pati si Bea. Si Em nga lang yung may 'K' sa pagluluto.

Agad kaming iginiya ng sumalubong na waiter sa amin sa isang bakanteng mesa. Hinayaan ko na si Heaven na rin ang nag-order para sa amin.

I think his mood was lighten up now. Bakit kaya?

"So?" Tumingin sa akin si Heaven habang ipinagsiklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Sinong pinadalhan mo?"

"Ah," hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. "Yung kapatid ko na nasa province."

"Saang province?"

"Quezon." Luminga ako sa paligid at nakita ang iilang customer. Mayroong malapit sa amin na mesa na pawang mga babae ang nakapwesto. Panay ang tawanan nila ng mahina.

Nako-concious tuloy ako.

"Leiana?"

Napatingin ako kay Heaven at nasalubong ang tingin nito.

"Bakit?"

"Pwede bang sa akin lang ang focus mo kapag magkasama tayo?"

Bahadyang napaawang ang labi ko pero hindi ako nakaimik.

"I want your full attention when we're together." Bumuntung hininga siya. "And i want you to look into my eyes when we talk."

Napalunok ako at mahinang tumango. Pero paano ko magagawang tumingin ng deretso sa kanya kung ganitong nagwawala sa sikmura ko ang mga alaga kong kulisap. Tapos yung puso ko.... nakakarinding pakinggan. Kahit ang mga salita ni Heaven hindi ko na masyadong ma-absorb.

"Sorry naging rude ako sa'yo kanina." Seryoso niyang wika.

Medyo natigilan ako. "Ke-kelan?"

"Kanina. Habang nag-uusap kayo ni Ysmael." Paalala niya. "It's not that i don't want you to come to his party. I mean. Kung pwede kang pumunta sana...."

"Ah," yun pala.

"Hindi ka ba talaga pwedeng pumunta?"

"Hi-hindi talaga. May pupuntahan na kasi ako nun."

"Hindi dahil iniiwasan mo ako?"

Mabilis akong napailing. "Hindi. Bakit naman kita iiwasan?"

Bahadyang nalungkot ang mukha niya. "You ignored my calls and messages. Hindi mo rin ako binabati sa office?"

"Hindi naman kita madalas nasasalubong sa office." Ani ko.

"So, kung magkasalubong tayo at batiin kita babati ka din pabalik?" Ngumiti siya ng konti.

Tumango ako.

"Then why did you ignore my messages?"

Napangiwi ako ng konti. "Hindi ka na naman nagtext after di ba?"

"Cause you didn't answer my call. I thought you dislike talking to me. I texted you to answer right?" Matiim niya kong tinitigan.

"You didn't call again." Deretsong wika ko.

"Oh?" Nagulat pa siya. "Kasi hindi ka nagreply."

"I was --" sabi ko nga talo na ko sa argumentong ito. "I'm sorry."

"Nakukulitan ka siguro sa akin?"

Tumingin ako ng deretso sa mukha niya, siya naman ang nagbaba ng tingin.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon