Page 14
Mahal ko
After lunchtime ko inaasahang makita si Heaven. Pero hindi pa rin siya nagtetext kung anong oras nga ba kami magkikita. Siguro, malamang.... after office hours na. Nagtext pa naman si Em kung anong ipapaluto kong ulam for Heaven. Supportive naman talaga sa akin si Em ever since.
Haist.
Pero hindi pa nagtetext si Heaven. Paano ko malalaman kung okay lang ba na ipakilala ko na siya bilang boyfriend ko kina Em at Bea. Though alam ko naman na hindi niya yun gusto. Hindi naman totoo ang nararamdaman niya para sa akin di ba?
Tanungin ko na lang kaya siya sa text? Papayag kaya siya?
Hindi nga ako naghahangad ng higit pa di ba? Baka makulitan siya sa akin.
Tin-text ko na lang din. I asked him if pwede ba syang pumunta sa apartment namin at imeet sina Bea at Em.
Lumabas na ako ng cubicle ng restroom at tumayo sa harap ng sink. Naghuhugas ako ng mga kamay ng may pumasok. Hindi agad ako nag-angat ng tingin hanggang sa tumayo ito sa tabi ko, saka lang ako napalingon.
Nabigla pa ako ng makilala ito. Si Ms. Sarah pala.
"Go-good afternoon po Ms. Sarah." Alanganin kong bati.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. "O, Ms. Fuentes, ikaw pala yan."
Hah? 'Di nya ba 'ko napansin?
Pilit akong ngumiti.
"Pasensya na kung hindi kita nakilala agad. May nagbago kasi sa 'yo." Wika niya habang nakatitig sa akin.
Natigilan ako't napakunot noo. "Nagbago po?"
"Yah." Nag iwas siya ng tingin at naghugas ng mga kamay. Lumapit siya sa may tissue dispenser at humugot ng ilan mula doon. "Gumaganda ka."
"Hah?"
Lumingon siya. "Ganyan talaga kapag in-love. Bumu-blooming."
Napapilig ako ng ulo. Blooming ako? In love?
"No need to hide it from me, Ms. Fuentes." Wika niya na ikinabigla ko. "Alam ko na in dating relationship na kayo ni Heaven."
Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata.
Al-alam niya?! Paano niya....?
"Heaven told me." Nakatangong sagot niya sa tanong ko sa isip.
Nabasa niya ba ang isip ko? Hindi na ako nakaimik.
"Oo nga pala." Bahadya siyang natigilan at napangiwi. "Secret nga pala dito yun. Ako pa lang ba ang nakakaalam?"
Nagbaba ako ng tingin at mariing napakagat labi.
"Don't worry, Ms. Fuentes. Safe naman ang secret niyo sa akin. Ganun lang talaga kami ka-close ni Heaven kaya hindi siya nakakapagtago ng sekreto sa akin. Don't get him wrong."
Ganun sila kaclose?
Napabuga ako ng hangin. "Ga-ganun po ba?"
Ngumiti siya. "I hope we can be good friends. Since girlfriend ka ni Heaven at ako naman ay isa sa close friends niya. Pwede mo akong lapitan kung magkaka-problema kayo."
Alanganin akong ngumiti. "Sa-salamat po."
"Please." Aniya. "Wag mo na akong i-po kung tayo lang ang magkausap. We are friends now."
Talaga ba?
Huminga ako ng malalim at mahinang tumango na lang. Wala na akong magawa.
Ginagap niya ang kamay ko. "Goodluck sa inyong dalawa hah. Alam mo, kahit medyo may issue si Heaven sa mga relasyon alam ko na kapag nagseryoso na siya, hinding hindi mo pagsisisihan. And i think humis serious about you."
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Fiction généraleBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...