Page 51
Hope and Pray
[Leia]
Nakauwi naman ako sa bahay ng safe at maayos. Yun nga lang mugto ang mga mata ko.
Grabe lang. Napaiyak niya ako ng ganun. Dahil sa isang maliit na usapan. Dahil sa hindi pagkakaintindihan ay ganito ang nangyari.
Nang mag-walk out ang Vann sa mesa namin ay mabilis ko siyang sinundan. Kailangan ko na kasi siyang kausapin dahil alam kong may mali na sa pakikitungo niya sa akin. Kahit nalaman ko na mayroon pala siyang galit sa mga tulad kong dayo sa bayan nila ay kailangan ko pa rin namang malaman kung bakit siya galit sa akin. O baka sa akin lang siya ganun, di ba?
Bakit? Parepareho lang ba ang tingin niya sa mga tulad ko? Porque ba galing akong lungsod ay sapat na para husgahan niya ako? Nakakasama talaga siya ng loob. Sobra!! Hindi ko tuloy napigilan ang emosyon ko. Actually, hindi ko na masyadong maalala yung mga pinagsasabi ko. Nadala lang talaga ako ng damdamin.
Haist.
Naupo muna ako sa labas ng bahay. May kahoy na bench kasi doon. Ilang beses pa akong huminga ng malalim at nagpalipas ng ilang sandali bago napakalma ng husto ang loob ko.
"Hindi ko na talaga siya kakausapin." Mahinang bulong ko sa sarili. Basta, last na yun. First and last. Kung ayaw niya sa akin, wala akong pake. Bahala na siya.
Biglang naalala ko yung binili ko kanina. Mula sa lagi kong dalang maliit na sling bag ay kinuha ko yung cellphone at bagong bili ko na simcard.
Yun ang ipinunta ko sa bayan bago ako nakarating sa simbahan kanina eh. Bumili ako ng bagong sim. Kokopyahin ko na lang yung mga contacts ko sa sim at isisave sa phone ko para makapagpalit na ko ng numero.
In-on ko na yung cellphone atsaka huminga ng malalim at mahaba. In-expect ko yung maraming message mula kina Em. Pero naisip ko rin naman. Ilang buwan na ang lumipas, baka wala na yung mga message na yun. Baka hindi na naisave yun o hindi na nasend, mas mainam yun.
May ilang segundo akong naghintay bago tuluyang nag-open yung phone at nagload yung mga laman.
Tama ako.
Walang message notifications. Wala kahit ano. Siguro nga nawala na yun pagtagal ng panahon.
Mas mainam iyon.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
Hinanap ko pa kung paano maililipat sa phone memory yung contacts na nasa sim card ko. Iilan lang naman ang nasa contacts ko.
I wonder kung kamusta na kaya sina Em at Bea habang ginagawa iyon.
Nasaan kaya sila ngayon? Ano kayang ginagawa nila?
May boyfriend na kaya si Em? Pareho kasi kami nun masyadong conservative eh. Si Bea kaya? May bago na kaya siyang boyfriend? Lumalabas pa rin kaya siya sa gabi at nagba-bar hopping? Naalala ko tuloy yung mga gabing napupuyat kami ni Em sa paghihintay kay Bea. Nag-aalala kasi kami na baka mapahamak ito sa kahiligan na mag-party-party. Lagi naman namin siyang pinagsasabihan pero, ewan, waepeks talaga.
Haist.
Sana nasa maayos silang kalagayan. Sana... masaya sila. Walang sakit.
Maganda sana kung maisasama ko sila dito. Maganda kasi ang bayan na ito. Un-explore pa ang mga lugar.
Naghintay pa ako ng ilang sandali bago tuluyang makopya yung mga numbers mula sa sim ko papunta sa phone. Tumitig ako sa phone at sandaling natulala.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...