Page 55

432 13 0
                                    

Page 55

Umiiwas

Hapon nang dumating ang mga bata at si Yumi. Katulad ng napag-usapan. Sa hacienda sila nagdaan kaya nalaman ko na napakarami pa lang daan papasok at papalabas ng hacienda. Madaming shortcut way.

Mahigit dalawampu't limang bata ang tinuturuan ko. Karamihan ay mula sa ampunan at ang ilan ay anak nang residente sa bayan. Magkahalo ito, babae at lalake, siyam na taon ang pinakabatang edad at labinlima naman ang pinaka-matandang miyembro.

"Talaga ba?" Wika ni Yumi.

Naka-break kami at ang mga bata ay nasa isang bahagi ng bakuran at kumakain. Nasa gilid kami ng bahay at nakatanaw sa kanila.

"Si Vann ang naggawa ng mga upuan?" Halatang hindi makapaniwala si Yumi sa naikwento ko. Binanggit ko kasi sa kanya na si Vann nga ang nagpagagawa rather naggawa ng mga upuan na nagagamit namin ngayon.

Pilit akong ngumiti. "Hindi naman siya lang. May mga kinuha siyang trabahador ng hacienda para katulong. Sapalagay mo? Kaya niya ba yang tapusin lahat?"

Nagkibit balikat siya. "Ewan. Malay ko. Siguro kung Iron man siya pwede." Tinabihan niya ako sa upuan. "Pero, bati na pala kayo?"

Bahadya akong napakunot noo. "Bati? Hindi na naman kami mga bata para sa ganun, ah."

"Duh! I mean... kinausap ka na niya. Hindi ba noong last na magkita kayo. Dun... dun sa inuman kina Rico. Nagwalk out siya kasi nagalit sa'yo." Umiling iling siya after. "Alam ko na yun nung umpisa pa lang eh. Bitter-bitter-an pa rin siya sa past niya."

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa ibang direksyon.

Hindi ko alam kung anong pinagdaanan ni Vann nang dahil sa ex-almost-bride nito. Pero halata sa mga reaksyon at salita ng mga nakakakilala kay Vann na matindi ang pagmamahal nito sa ex. Malaki ang sugat na iniwan nang kung sinuman na iyon.

Gusto ko na sanang tanungin si Yumi o sabihan ito na magkwento ng tungkol kay Vann at kung bakit ganun na lamang ito sa akin. Pero nahihiya naman ako. Actually, nahihiya talaga ako. Maghihintay na lang ako nang kusa na siyang magkwento.

Tulad ngayon.

"Hindi ko naman maintindihan kung bakit mahal na mahal niya yung Ex n'ya. Maliban sa totoong napakaganda nun. International model kaya yun."

Medyo nasamid ako dun ah.

"International model?" Ulit ko sa narinig.

"Oo. Sikat nga yun. Ta's may exclusive siyang cosmetic na ini-endorse. Tsk. Mamahalin na cosmetic yun eh. Nakalimutan ko yung pangalan. Nasa dulo na ng dila ko eh."

Natawa ako ng konti. "Akin na. Tignan ko nga."

"Joke lang." Umiwas agad siya saka tumawa. "Pero. Hindi nga. Akala ko nga forever na sila eh. As in kung nakita mo sila noon. Kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Promise. Maiingit ka na lang."

"Maiinggit dun sa girl?"

"Hindi. Maiinggit ka dun sa relationship nila. Almost perfect. Yung term nila dun. Relationship goals."

Natawa ako ng mahina.

"Pero sabi din nila. No one's perfect. At wala ding relationship na perfect." Nagkibit balikat niya. "Nagkahiwalay din sila. Walang forever."

Tumango tango na lang ako.

"Haist." Malalim siyang bumuntung hininga. "Ang daming nanghinayang nung nagkahiwalay sila. Kahit ako. Isipin mo na lang kung paano na-broken ang heart ko nun? Kasi isa ako sa naglo-look forward sa happy ending nila. Na sa haba ng pinagsamahan nila, sa simbahan din ang tuloy. Pero hindi yun nangyari. Ilang araw kaya akong nalungkot nun."

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon