Page 25
Emergency
Pinilit kong maglakad ng pormal papalabas. Akala ko ay makakalagpas ako ng walang hassle kaya lang nakita ako ni Sir Louie. Bigla kasi itong lumingon.
"Leia?"
Napahinto na ako. "Sir?"
Mabilis na nagpaalam si Sir Louie sa kausap nito at lumapit sa akin. "Pauwi ka na?"
Alanganin akong sumagot. "Aa---Opo. Kayo din po?"
"Yup." Nakangiting sagot nito.
Infairness naman, may itsura itong si Sir Louie. Mabait pa at matalino. I wonder bakit siya nakakatagal sa superior namin na kalbo?
Tsk. Ako nga lang pala ang pinag-iinitan ng bald head officer namin. Si Sir Rene.
Ahead ng years sa edad sa akin si Sir Louie. Hindi ko sure kung ilang taon.
"Syangapala. Hindi ko nakita ang pangalan mo sa mga sasama sa teambuilding ah. Hindi ka pa ba nakapirma?"
"Ah... hindi po ako sasama." Papahinang ani ko.
"Hindi pwede. Dapat kasama ka. Sige na?"
"Ahmm...."
"Come on. Minsan lang naman ito. I'm sure you'll enjoy it." Ngumiti siya in his sincerest smile.
Panu ko tatanggihan ang boss ko?!
"Si-sige po. Ipapalista ko na lang po bukas."
"Asahan ko yan." Mahina niya akong tinapik sa balikat. "Ngapala. Halika na. Isabay na kita pauwi."
"Naku! Wag na po. Baka ma-out of the way po kayo." Mabilis akong tumanggi.
"Hindi. Alam ko na same way lang din kita kaya halika na." Matiim niyang titig sa akin them ngumiti. "Tara."
Nagpatiuna na ito papalabas ng building. "Sir?" Bulong ko. Napangiwi ako sa sarili at bahadyang napakamot sa batok.
Tsk. Ewan.
Wala akong magawa nang mag-offer si Sir Louie na ihatid ako pauwi. Pwede akong tumanggi.... sana.
Bad trip naman kasi si Heaven. Lagi na lang.
Ah! Alam ko na. Papahatid na lang ako sa somewhere.
Nakasunod ako kay Sir Louie habang naglalakad hanggang sa marating namin iyong kotse niya.
"Sir?" Tawag pansin ko rito.
Agad naman itong huminto at lumingon sa akin.
"Bakit?"
"Nakakahiya naman po sa inyo Sir. Mauna na po kayo. Okay lang po talaga ako." Alanganin akong ngumiti.
"Okay lang din sa akin." Ngumiti siya.
"Ano po kasi --."
Natigilan kami ng marinig ko yung cellphone ko na tumutunog. Nataranta pa ako ng konti.
"Ay! Sorry Sir. Wait lang po." Agad kong kinuha yung phone ko at sinagot iyong tawag kahit hindi pa nakikita kung sino. Akala ko si Em.
"Hello?"
Biglang....
"Damn it Leiana. Magpaalam ka na sa kanya o gusto mong ako ang magpaalam para sa'yo?"
Kinilabutan ako sa boses na iyon. Nalaglag ang panga ko at natulala.
"Miss Fuentes?" Boses ni Sir Louie. Nagkatinginan kami at nakita nito ang bigla kong gulat.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...