Page 26
Awkwardness
Kung ordinaryo ang relasyon namin ni Heaven malamang sinumbatan ko na siya. Pero hindi....
So i ended up commuting pauwi. Guess, mainam na itong gawin. Hindi iyong araw araw ay umaasa ako na ihahatid ako ni Heaven pauwi. Hindi dapat ako masanay sa bagay na mawawala din naman.
Dumaan muna ako sa isang convenient store bago umuwi. Naabutan ko na nakasalampak ng upo si Em sa harap ng TV. Naka-off naman yung TV but ang atensyon niya ay nasa harap ng kanyang laptop. Naka-hoodie siya na damit at pambahay na shorts. Nang dumating ako ay agad siyang nag-angat ng tingin at kumaway pa sa akin kahit papalapit na ako.
"Anong ginagawa mo?" Naupo ako sa tabi at sinilip ang ginagawa niya sa laptop. Napakunot noo ako.
"Nag-a-update lang ako ng blog ko." Nakangiting aniya.
"Omo?" Ngumiti ako. "Nag-post ka ba ng bago? Patingin.... aww!" Pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagtakip sa mukha ko ng kamay. Itinulak niya ang mukha ko palayo.
"Huy! Wag kang makibasa dito. Mag-online ka para makatulong ka naman sa akin. Isang view lang nagdamot ka pa. Para naman may magbasa man lang kahit isa ng story ko."
Sumimangot ako. "Sus! Damot." Idiniretso ko mga binti ko sa pagkakaupo. "Ako nga ang number one fan mo eh. Sige. Mamaya pa-open sa laptop mo."
"Tss." Inirapan ako.
"Si Bee?" Nakangiting ani ko at lumingon sa naka-open na pinto ng kwarto namin.
"Wala pa. May date daw." Sagot ni Em. "Ikaw? Ba't ngayon ka lang? Nagdate din kayo ni Heaven?"
"Sort of." Ngiti ko.
"Sort of?" Kumunot noo siya.
"Almost a date. Nanuod kami ng movie pero nakatulog ako."
"What?" Gulat niya akong nilingon.
Tumango ako. "Dapat kakain kami bago umuwi kaya lang may tumawag sa kanya na emergency daw. Kaya hindi na natuloy. Nag-dyip ako pauwi."
"Ahh... emergency naman pala." Ani Em.
"Si Ms. Sarah."
"Si Ms. Sarah." Natigilan siya. "Si Ms. Sarah?!"
Hindi ako nakaimik.
Tinanggal ni Em iyong hood na nasa ulo niya at tinitigan ako. "Hinayaan mo si Heaven?"
"Hindi naman niya alam na alam kong si Ms. Sarah yung emergency niya. Narinig ko lang na magkausap sila sa phone at nabanggit yun ni Heaven. Tss." Napailing iling ako at sumimangot. "Nakakainis! Nagiging tsismosa na talaga ako!"
"Pero. Hindi nga? You sure na yung Sarah yung kausap niya?"
"Sure ko yun." Tango ko.
"Hul!" Bulalas niya.
Umarko ang mga kilay ko. "Bakit?"
"Idol mo ba ang Gomburza? Ba't ang martyr mo?"
I pout. Oo nga. Ang martyr ko talaga.
"Feeling mo ba magagawan ka ng monumento kapag nagpakabaliw ka sa Heaven na yan? Anong napapala mo sa kanya?" Seryosong tanong ni Em.
Nagkatitigan kami ng ilang saglit pero ako yung unang bumawi. Ngumiti ako. "Ewan. Siguro wala."
"Leia?"
"Pero gusto ko itong gawin dahil gusto ko." Huminga ako ng malalim. "Alam mo, maagang namatay ang Nanay ko di ba? Hindi niya nakita na grumaduate kami ni Lana na katulad ng pangarap niya. Nang-hinayang talaga ako dun at alam ko na ganun din si Nanay."
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...