Page 76

450 8 0
                                    

Page 76

Deep and rough


"TABLE FOR how many po?" Nag-angat ako nang tingin at nagulat. "Oh?"

Ngumiti siya sa akin. "Hi."

Napangiti ako. "Heaven?"

"Busy?" Tumingin siya sa paligid ng restaurant. "Mukhang maraming tao ngayon."

"Tama. Kaya medyo busy." Tango ko. "Kakain ka? May kasama ka ba?"

Nakangiting tinignan niya ako at umiling. "No. It's just me."

"Mag-isa ka lang? Bakit? Ang boring naman kung kakain ka lang na mag-isa."

"I'll take a table for two. Baka gusto mo kong samahan?"

Napa-smile ako. "May date ka?"

"Ikaw ang gusto kong kasalo sa dinner ngayon. I hope papayag ka." He smiled genuiely.

Bahadya akong natigilan. "Kaya lang---"

"Leia?" Sabay pa kaming napalingon sa tumawag sa akin at nakita namin si Tita Claro. Ang may-ari ng restaurant. Nakangiti itong lumapit sa pwesto ko.

"Ma'm?" Ma'm ang tawag ko sa kanya kahit gusto niya na Tita.

"Good evening, Tita." Si Heaven. Nakangiti siyang bumati kay Tita Claro.

"Good evening din, Heaven. Mabuti ka pa at sinusunod ako samantalang itong si Leia, hanggang ngayon, Ma'm pa rin ang tawag sa kin."

Lihim akong napabungisngis.

"Matigas po talaga ang ulo niyan eh."

"Oo nga. Nahalata ko din yan." Segunda pa ni Tita Claro. Bigla niya akong nilingon. "O, Leia. Ako na muna dito. Sabayan mo na na kumain si Heaven. Hindi ka pa rin naman nagdi-dinner, 'di ba?"

Natigilan ako. "Ahm, hindi pa nga po."

"Sige na." Nakangiting bumaling siya kay Heaven. "Sige na, Heaven."

"Salamat po." Nakangiting wika ni Heaven.

"Kinausap mo si Ma'm Claro, noh?" Sabi ko nang makaupo na kami.

"Halata ba?" Nginitian niya ako.

"Tss." Nailing na lang ako.

Nag-order na kami ng pagkain. Konti lang ang sa akin at hindi nagtagal ay nai-serve na rin iyon.

"Bakit ka pala napunta dito hah?"

"Hindi na kasi kita masyadong nakakausap at nakikita, eh. Masyado kang busy sa.... boyfriend mo." Bahadyang humina ang boses niya.

"Ahm, hindi naman." Pilit akong ngumiti. "Actually, hindi nga kami madalas magkasama ni Vann. Busy din siya sa Naval."

Mataman niya akong tinignan. "He doesn't contact you?"

"Tumatawag naman siya palagi."

"Siguro, laging siya ang katext mo kaya hindi mo na rin ako nati-text."

"Hah?" Natigilan ako. "Hi-hindi naman sa ganun."

"Pinagbawalan ka ba niya na kausapin ako?"

"Hah?" Nabigla naman ako.

"Siya? Yung boyfriend mo. I'm sure sinabihan ka niya na lumayo o umiwas sa akin."

"Parang hindi naman ganun. Wala namang dahilan para gawin yun." Bumuntung hininga ako. "Heaven, hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan."

"I can't help but think that way. Ganyan din ako sa iyo."

Hindi naman ako nakaimik.

Oo nga pala. Parang ganun din siya sa akin noon. I remember na nagkaroon pa sila ng hindi pagkakaintindihan ni Lawrence dahil din sa akin.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon