Page 65

419 10 0
                                    

Page 65

Scarred



"WOW! It's nice to see you up as early as this."        Nakangising wika ni Xyrus nang magkita kami sa villa house ni Vann.

Naabutan ko silang dalawa na nag-aalmusal sa balkonahe ng bahay. Kampateng nakaupo yung dalawa na mukhang nagsa-sight seeing lang sa paligid.

Lumapit ako sa dalawa at tumayo sa gilid ni Xyrus.

"Almusal ka muna."      Aya sa akin ni Xyrus.

"Salamat. Hindi ako tatanggi since gutom na rin ako. Ang aga kong gumising ah."      Hinila ko yung malapit na upuan at naupo. Tinignan ko si Vann na tahimik na nakatingin sa akin.       "Bakit?"

"You're too hyper."        Umismid siya.  

"Hah? 'Di naman. Lowbat pa nga ako kasi gutom ako."       Sinimangutan ko siya.

"Okay. You'll need that energy, though."       Pormal niyang wika saka uminom mula sa mug niyang hawak.

"Bakit pala nandito ka? Hindi ka umuwi sa main house?"      Curious ko siyang tinitigan.

"Umuwi. Bakit?"      Siya naman ang matamang tumitig sa kin.

"Wala. Nagtatanong lang."       Kibit balikat ko.

"Ang cute niyo ding dalawa noh."     Nakangising react ni Xyrus habang nakatitig sa akin.

"Napipilitan lang naman ako."       Naka-pout kong wika.

"Napipilitan ka lang talaga?"      Si Xyrus.

"Oo."     Tango ko at ngumiti.     "Sabi niya kasi igagawa niya ko ng portrait ko kapag naging mabait ako sa kanya. 'Di ba? Priveledge maging model ng isang sikat na painter ah. Lalo na si Sky ang gagawa." 

"Ahh, i see?"       Lalong lumapad ang ngisi ni Xyrus at lumipat ang tingin kay Vann.

"Hindi ko gusto yung ngisi mong yan ah."       Wika dito ni Vann.

"Hindi ko din gusto yang itsura mong yan, Vann."       Natawa ng malakas si Xyrus.

"Ga*o!"      Bulong ni Vann.

"Shh... nasa harap ng pagkain, oh."      Saway ko dito. 

Umismid naman si Vann.

After naming mag-almusal at umalis na rin kaming tatlo. Gamit ang Ford Ranger na itim ay tumulak na kaming papuntang City proper. Araw ng check-up ni Vann at nagpasama siya sa akin. Hindi pa siya hinahayaan na magdrive nina Senyora Alva kaya kasama si Xyrus.

"I've heard what happen last night? Nasaan na si Mel?"  

Napakunot noo ako sa narinig na sinabi ni Xyrus. Nakatuon naman ang tingin niya sa kalsada, katabi niya si Vann sa harapan at nasa likod lang naman ako.

"Anong nangyari?"        Hindi ko matiis na hindi magtanong.

Sinulyapan ako ni Xyrus mula sa rear view mirror sa itaas.

"It has nothing to do with you Lei."        Hindi nakatinging wika naman ni Vann.

Umarko ang mga kilay ko.

"Pinaalis niya kagabi sa main house si Mel. Yun ang nangyari." 

"What?!"       Gulat na gulat ako sa narinig. Bahadya pa akong naglean paabante.      "Bakit? Bakit ginawa mo yun Vann?"

"I said it has nothing to do with you. Why do you care?"        He hissed after.

Grabe. Ang grumpy niya.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon