Page 42
She......
[Heaven's POV]
Napatingin ako sa sasakyan niyang nasa gilid. Naka-angat ang gulong nito sa gutter ng daan at nakadikit ang gilid na nguso sa isang poste.
"I loss control of my wheels. The next thing i know ay yan na. Natakot ako." Humihikbing aniya.
Huminga ako ng malalim at tinitigan siya. "Okay ka lang ba? Walang masakit sa iyo?"
"Wala naman."
"I think we should go to the hospital. Hindi natin alam ---"
"No, Heaven. I'm fine. Natakot lang ako at nabigla. I'm fine now."
"You sure?"
"Yah." Tumango siya ng mahina. "Thank you Heaven. Thank you for coming."
Umiling ako at bumuntung hininga. "It's okay."
Ako na ang tumawag ng towing company para maialis ang sasakyan ni Sarah sa gilid ng daan. In-assist din kami ng isang traffic enforcer na napadaan sa area pero wala namang naging problema. Naghintay lamang kami ng ilang oras para masigurong nasa ayos ang lahat.
"Pasok ka Heaven." Marahan akong hinila ni Sarah papasok ng kaniyang unit. She lives alone.
Sinundan ko siya hanggang sa maliit na kitchen. Binuksan niya ang kanyang ref at naglabas ng pitsel. Inilapag niya iyon sa mesa bago kumuha ng isang mataas na baso.
"Do you want something instead?" Aniya at nilingon ako habang nasa harap muli ng ref at may kung anong kinukuha.
"You should rest now, Sarah." Nilapitan ko siya at kinuha mula sa kamay niya ang inilabas na pack food.
"Hindi ka pa nagdi-dinner. Ako din. Magpi-prepare ako ng something para sa 'tin."
"No." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinihit patalikod. Marahan ko siyang itinulak palakad, paalis ng kitchen. "Magpahinga ka na. I'll prepare it for you before I leave."
"Aalis ka ka'gad?" Bulalas niya.
Patuloy ko siyang itinulak ng dahan dahan papunta sa silid.
"Don't leave Heaven. Stay here." Mabilis niyang ginagap ang mga kamay ko pagkapasok sa kanyang silid. "Please Heaven. Stay here."
Bahadya akong natigilan. Nakaawang ang aking labi at hindi ko malaman ang dapat isagot.
I know, i shouldn't be here. Kahit malapit kaming magkaibigan ni Sarah, hindi ko pa rin gustong mag-iwan ng hindi magandang impression. And Sarah, is a very special friend of mine. Sobrang espesyal at ayokong masira iyon.
I inhaled deep. Matiim ko siyang tinitigan habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Gagap niya pa rin ang dalawa kong kamay at tila ayaw itong bitiwan.
"Heaven, please."
"I'll prepare food for you. Magpahinga ka na dito." Sinubukan kong hilahin ang mga kamay ko pero ayaw niya pa ring bitiwan.
"You will stay, right?" Pleading tone. Tinitigan ako ng magaganda niyang mga mata.
Bumuntung hininga ako ng malalim.
"I'll stay until you are fully fine, Sarah."
"Promise?"
"Yeah. So, ang mabuti pa ay mag-rest ka na muna. Tatawagin kita kapag nakahanda na ang pagkain."
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficção GeralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...