Page 70

479 10 4
                                    

Page 70

Napakaganda

[Leia]

NAPAKURAP AKO ng mga mata habang nakatingin sa inaabot na card sa akin ni Heaven.

Talagang tinignan ko iyon ng maige bago binuksan at inilabas yung laman na card. Totoo naman. Isa ngang invitation ng masquerade ball.

"May naggaganito pala na theme sa party?" Amused kong sabi. Well, usually sa America uso ang mga ganitong pakulo sa party. Napaka-inconvenient naman kasi para sa isang mahirap na bansa ang magganito eh.

"Ideya ng higher officers. Of course." Wika ni Ysmael.

"Para saan ang party?" Tanong ko.

"Actually, it's a charity event. Isasabay sa paglilipat ng pamamahala sa bagong COO ng company." Sagot ni Heaven sa tabi ko.

"Oh?" Napatango ako.

"Leia?" Napatingin ako kay Heaven. "Payag ka 'di ba? Payag kang maging date ko para sa party?"

"Ah...." hindi ako agad nakasagot. "Nakakahiya naman. Wala na akong koneksyon sa company niyo. Baka magtanong lang sila kung bakit ako pupunta."

"Ano naman? Wala namang nagsabi na bawal humanap ng date na hindi affiliated sa company." Kibit balikat ni Heaven.

"But...."

"Naroon naman si Em. Isa siya sa curator ng event. Then, Ysmael can take Bea as date."

"Hul! Ako?! Date ni Ysmaeng?" React agad ni Bea.

"Huy! Kahit ayoko. Wala akong choice. May usapan na kami ni Heaven." Singit naman ni Ysmael saka nginusuan si Bea.

"So napipilitan ka lang isama ako?" Mataray na wika ni Bea kay Ysmael.

"Oo. May angal ka?"

"E, di magtiis ka. Kasi ako... gusto kong pumunta sa masquerade ball." Saka nakatawang binelatan ni Bea si Ysmael.

Nangiti naman ako.

Haist. They never change.

"So, ano, Leia?" Agaw pansin sa kin ni Heaven. Binalingan ko naman siya ng tingin. "Hindi mo naman siguro gustong maiwan dito na mag-isa right?"

Napabuntung hininga ako ng malalim. "May choice pa ba ako. Mukhang napag-usapan niyo na eh."

"Kanina lang namin pinag-usapan." Wika ni Em.

Binasa ko uli yung card. "It's three days from now. Kaya pa ba itong paghandaan? Masquerade ball pa naman ito. For sure, pabonggahan sa outfit."

"Haha!" Si Bea. "Leave it to me. Meron na akong taong nakausap para tulungan tayong magprepare."

"Yun naman pala." Ani Ysmael. Nakangiting tumango sila nina Lawrence.

Muli kong binasa yung card. Tama bang pumunta din ako?

"Okay na sa'yo, Leia, right?"

Agad akong lumingon kay Heaven at tumango. "Okay lang."

"What is it?" Nahalata niya ang pag-aalinlangan ko.

"Ano. Nahihiya talaga ako sa mga kasamahan natin doon. Di ba umalis ako ng walang paalam. Baka hindi nila ako gustong makita."

"Sa tingin ko hindi naman. Ang dami ngang nagtatanong kung nasaan ka na." Ani Ysmael.

"Kahit na. Nahihiya pa rin akong magpakita." Sabi ko.

"Okay lang. Masquerade naman iyon so nakamask ang mga pupunta. Hindi ka makikilala ng mga dati mong ka-department agad agad." Wika ni Heaven.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon