Page 37
I feel so greedy. It's a sin.
Dumeretso ako sa may kusina kung nasaan si Em at agad niya akong nilingon at sinipat ng tingin."What do you think?" Nahihiyang ngumiti ako.
Umarko ang mga kilay niya. "Hmmm.... okay na yan." Nagkibit balikat siya.
"Sure?" Duda ako sa sagot niya.
Tumango siya.
Pero hindi pa rin ako sure sa sarili ko. Wala talaga akong fashion taste. Nakasuot ako ng isang itim na dress na abot hanggang tuhod. Nakayakap ito ng sakto sa katawan ko pero medyo alangan ako sa kilos.
"Hindi nga?" Napangiwi ako.
"Ayos nga." Tango niya sa akin.
Sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Bea. Kadarating lang nito mula sa work.
Agad na nagtama ang mga tingin namin pero pairap niya akong iniwasan.
Napasimangot naman ako.
She's still mad at me.
Ilang araw na kaming ganito ni Bea. Nagalit kasi siya ng malaman na nagkabalikan kami ni Heaven. She opposed it so bad pero wala na akong magagawa.
Dumeretso siya sa kwarto at nagsara ng pinto. Napabuga ako ng hangin.
"Intindihin mo siya." Wika ni Em. "Alam mo naman kung gaano siya ka-concern sa 'yo di ba? Ayaw ka nyang masaktan eh."
"I know." Tango ko. Sana lang din maunawaan niya balang araw kung bakit ko ito ginagawa.
"Ano nga uli yung pangalan ng bar na pupuntahan niyo?"
Binanggit ko naman.
"Susunduin ka ni Heaven di ba? Bakit wala pa siya?"
"On the way na daw siya." Pilit akong ngumiti.
"Ano bang okasyon?"
"Birthday ng kabarkada niya."
"So, nandun din sina Ysmael at Lawrence? Bakit kailangan sa bar pa?"
"Ewan." Kibit balikat ko.
"You mean. Totoong ipapakilala ka na ni Heaven sa mga kaibigan niya?"
"Parang ganun na nga." Nahihiyang tango ko.
"Tsk. Serious na ba siya sa'yo? Anyways." Umismid siya. "I still don't trust him kaya itetext ko sina Lawrence na bantayan ka."
"Sobra naman!" Biglang react ko. Para naman akong batang kailangan bantayan. Hindi na ko bata!
"No more buts!" Saway niya sa akin.
I pout.
Hindi na lang ako nagprotesta since gagawin pa rin naman niya ang sinabi.
Saglit lang at tumawag na si Heaven para ipaalam na na nasa tapat na ito ng apartment namin. Mabilis akong kumilos paalis. Excited ako at kinakabahan.
Ilang oras lang ang lumipas at nasa tapat na kami ng bar na paggaganapan ng party. Saka ko lang nadama yung sobrang kaba.
"Let's go." Boses ni Heaven.
Hindi ko namalayan na nasa tabi na siya at nakatulala na ko sa may tapat ng entrance.
"Leia?" Ginagap niya ang aking kamay at napalingon ako. "You're freaking cold."
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficción GeneralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...