Page 39
Mahal ko siya
Marahan akong bumaba sa nasakyan kong tricycle. Ngumiti ako ng makita ang paligid na halos walang pinagbago at huminga ng malalim.
I was half excited and nervous.
Binalingan ko iyong tricycle driver at nagbayad na para makaalis na ito. Then muli akong bumaling sa paligid.
Tahimik naman iyong lugar kasi magkakalayo iyong mga bahay. Halos lahat nga ng bahay na nadaanan ko ay may malalaking bakuran na may matataas na puno at halaman. Iba iba din naman ang mga iyon. Mabababa at kadalasan ay one floor lang ang kadalasang bahay. Gawa sa kahoy ang karamihan at iilan lang ang mga gawa sa bato. Isa sa iilan n iyon ang bahay na nasa harap ko ngayon.
Bungalow style ito na bahay na may maluwang din na bakuran. Maliban sa kahoy na harang ay may makakapal na halaman sa paligid na nagsisilbi na ring tila railings ng bahay. Sementado't walang kulay iyong pader ng bahay.
Biglang dumagsa sa isip ko ang alaala ng nakaraan. Mga masasayang alaala na lagi pa ring nakapagpapangiti sa akin.
Nakakakilabot at nakakalungkot pero masaya na balikan iyon lahat. Kahit sa alaala na lang.
Tahimik kong itinulak iyong mababang kahoy na gate sa harap. Mabagal akong humakbang papasok sa bakuran. Halos lahat ng senses ko ay gumagana.
Busog ang mga mata ko sa magandang tanawin. Medyo naluma na yung bahay pero okay lang. Mukhang natitirhan pa naman ng tao. Kung sabagay, mas matatag na naman ito ng may kumpara sa ibang bahay na gawa sa kahoy at pawid.
Ngumiti ako.
Nalalanghap ko ng walang pangamba iyong sariwang hangin. Hindi tulad sa lungsod na masyadong polluted. Tsk. Kaya nga ba napakahalaga nang mga puno eh. Ito kasi ang naglilinis ng maruming hangin. Kung sana marami pa nito sa lungsod.
Attentive na nakikinig ang tenga ko sa ingay na gawa ng mga nagsasayawang dahon ng mga puno. Para itong musika sa aking pandinig.
Nadarama ko ang bahadyang lamig ng hangin. Nilalabanan nito ang init na dulot ng papatirik ng araw sa langit. Nakaka-relax ito sa pakiramdam.
Papalapit na sana ako sa may pinto ng bahay pero bigla akong napahinto. Pumihit ako pagdaka papunta sa gilid ng bahay at doon nagdaan.
Sopresa ang pagdating ko. Mas maganda kung sa hindi inaasahang entrance ako magmumula. Napangiti ako sa kaisipang iyon.
Malapit na ako sa likurang bahagi ng bahay ng marinig ko ang dalawang pamilyar na mga boses.
"'Tay naman. Sinabi ko na nga. Hindi ganyan. Ganito. Masisira niyo ka'gad yan eh!!"
Huminto ako at natigilan.
"Aba! Hindi ko naman alam na ganyan at ganito lang pala yan paganahin!" Sabay hampas sa gilid ng pinagtatalunang bagay.
Napangiwi ako. Eh, ano ba yun?
"'TAY!!" Malakas na maktol ng higit na mas bata. "Isusumbong kita kay Ate 'pag nasira mo yan."
"Ako pa talaga ang tinakot mo?" May himig babala yung tono ng mas matanda.
Nailing at natawa na lang ako.
"Alam ko naman na takot ka din ke ate!"
"Ako? Ako takot? Sa ate mo?" Pauyam na tawa ni Tatay.
Tumikhim ako ng isang beses para maagaw ang pansin nila pero....
"Naku, 'Tay. Lagot ka na talaga kay Ate." Iling nung mas bata.
Hala! 'Di nila ako narinig?
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...