Page 84

468 10 0
                                    

Page 84

Miracle

NAHAWAKAN KO pa si Heaven at itinulak siyang palayo tapos ay dinaluhan ko si Vann at niyakap ito sa baywang.

"Vann?!"        Bumuhos ang luha ko pagkatingin sa kanyang mukha.

"Dmnit!"         Kitang kita ko ang galit sa mukha niya.  Namumula ang magkabila niyang tenga at umiigting ang mga ugat sa leeg. Sinubukan niyang umabante pero tinulak ko siyang palayo.

"Wag!"

"Fck! Anong problema mo?!"          Galit na sigaw ni Vann kay Heaven.

Nilingon ko si Heaven at nakita ang namumula na rin niyang mukha sa galit. Kuyom pa rin ang kanyang mga kamao.

"KASALANAN MO!"    Sigaw ni Heaven. Nakapigil nang mahigpit sa kanya Em.

"Tumigil ka nga!"        Mariing wika ni Em kay Heaven.

"Ano--?!"      Si Vann.

"Anong nangyayari?"         Mula sa gate ay lumabas na si Tatay. 

Natahimik kami. Humikbi ako ng ilang ulit at umiiyak na bumaling ng tingin kay Tatay.

"Leia?"      Marahan akong hinawakan ni Tatay sa braso.

Kumalas ako ng pagkakayakap kay Vann at lumipat kay Tatay. Sa balikat niya ako umiyak.

"Kung may pag-uusapan kayo. Wag niyong gawin sa kalye. Nakakahiya kayo!"         Pagalit na wika ni Tatay.

Wala akong narinig na anuman mula kina Vann at Heaven.

Sandali pa ay nasa loob na kami ng apartment.

Nakaupo sa pahabang sofa sina Heaven at Vann, nasa magkabilang gilid sila nito at halatang magka-away talaga. Si Tatay ay nasa pang-isahang sofa habang kami ni Em ay nasa harap ng mesa.

Inabutan ako ni Em ng tubig. Tumango lang ako at uminom roon.

Ang bilis ng kabog ng puso ko. Para akong hihikain. Kanina pa ako umiiyak kaya alam kong mugtong mugto ang mga mata ko.

"Ano bang problema?"           Tanong ni Tatay pagkaraan ng mahabang katahimikan.

"Kasalanan niya."       Ani Heaven.

"Ano bang kasalanan ko?!"        Medyo mataas na boses ni Vann.

"Hindi ka dapat nananakit ng walang basehan, Heaven."        Sabi ni Tatay.

Tinignan ko silang tatlo. 

"Sorry ho. Mainit lang po talaga ang dugo ko sa lalakeng yan."           Madiing wika ni Heaven.

"Ano ba kasing nangyari?"      Naiiritang ulit ni Tatay sa tanong. Kanina niya pa kasi ito tinatanong sa dalawa pero wala namang isinasagot si Heaven.

Alam ko. Alam ko na dahil na naman sa akin.

"Alam niyong walang maayos na usapan kung walang magsasalita sa inyo."        Naiinis na wika  ni Tatay.

"I came here to see Leia."        Ani Vann. Nilingon niya ako.

I bit my lower lip. Syempre. Nandito siya para sa akin.

"May nangyari ba sa ospital?"      Tinignan ako ni Tatay. 

Umupo ng deretso si Em.        "Nakausap po namin ang doktor ni Leia."

"So, anong resulta?"       Si Tatay.

Tumingin ako sa gawi ni Vann at muling nagtama ang aming mga tingin. Napasinghap ako.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon