Page 17

511 17 2
                                    

Page 17

Lagapak


"So? Pinagbigyan mo siya uli?"

It's not like hindi ko siya pwedeng pagbigyan. Kahit ayaw ko ay hindi ko din naman kaya.

Haist.

Pwede na akong magpapako sa krus.

"Tsk. Anong gayuma ba ang ipinainom sa'yo ng Heaven na yan?" Naiiling na wika ni Em.

"Ewan." Kibit balikat ko.

Hindi ko pinapansin pero alam ko na may nagbago sa pakikitungo nang mga ka-officemate ko. O siguro dahil nawala ako ng isang araw kaya feeling paranoid ako. Kakaiba kasi yung mga tinginan nila.

Ang hirap talaga sa isang grupo, kapag nawala ka ng isang beses pinag-uusapan ka na agad.

Aisht.

Ganun lang ako buong araw. Paranoid. Nag-iisip ng kung anu ano. Napaparanoid ako sa pag-iisipn baka may makaalam na sa lihim namin ni Heaven.

Hindi ko siya nakita ng buong office hours. Nagtext lang siya. Nangamusta.

"Totoo ba yung tsismis na nagde-date na kayo ni Heaven?" Tanong ni Tina nang nasa waiting shed na kami at naghihintay ng masasakyan.

Mabuti pa siya honest kung magtanong. Nakakabigla nga lang.

"Hindi." Mabilis kong tanggi. Hindi ko nature ang magsinungaling pero sa bagay na ito... mukhang nakasanayan ko na.

"Okay." Aniya. Walang ibang sinabi. Madali lang din talagang kausap itong si Tina.

Napatingin ako sa paparating na dyip na may sign na madalas sakyan ni Tina. Mabuti na lang mas mauna uli siya sa akin. "Sakay ka na." Wika ko sa kanya.

Tumango naman siya.

Nahagip ng tingin ko iyong papalabas na kotse mula sa building compound namin. Nakilala ko agad na kay Heaven yun. Pamilyar na kasi sa kin ang plaka nito.

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa loob loob ko.

Nakasakay na sa dyip si Tina at nakaalis na . Saglit lang ay nasa tapat ko na yung itim na kotse na ang lulan ay si Heaven.

"Hop in." Nakangiting sinilip niya ako mula sa loob.

Tumango ako at lumapit. Hinawakan ko iyong pinto para buksan pero bigla akong natigilan.

"Leiana?!"

Gulat akong napalingon at nakita si Tina na papalapit sa akin. Tumatakbo siya pabalik sa waiting shed.

Oh, no! What the ---?!?

Namutla yata ako ng makalapit na ito.

"Tina?" Nakamata ako sa kanya.

"May nakalimutan akong sabihin sa 'yo." Humihingal na aniya. Tumingin siya sa kotseng nasa harap na namin at sumilip sa loob. "Si Heaven?"

"Hi." Nakangiting bati ni Heaven.

"Ah....." saglit akong naguluhan. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Sabay ba kayo?" Mataman akong tinitigan ni Tina.

"Ah.... eehh..."

"Oo. Sabay ka na rin sa min Tina. Hatid ko na kayo." Wika ni Heaven.

"Oo bah." Mabilis na sagot ni Tina.

Nabigla ako at napatingin kay Heaven. Tumango lamang ito sa akin.

Hah?! Naku naman. Naguguluhan ako sa nangyayari.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon