Page 19

504 11 4
                                    

Page 19

Mahal ko siya

 
 
Wise men say
Only fools rush in
But i can't help
Falling in love with you

Shall I say
Would it be a sin
If I can't help
Falling in love with you

Like a river flows
Through the sea
So it goes
Some things are meant to be

Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you

*****

Nang matapos ko ang pagtugtog ay nakita ko agad si Heaven na nakatayo sa gilid ko. He offered me his hand at malugod ko iyong tinanggap. Pinalitan na ako uli nung pianista kanina at nakangiti akong nagpasalamat.

Muling tumugtog ng magandang love song yung pianista at iginiya naman ako ni Heaven para sa isang sayaw. Akala ko ay babalik na kami sa mesa.

Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa baywang ko at ako naman ay kumapit sa kanyang balikat. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. Dinungaw ko ng tingin sina Ysmael at Lawrence na nasa mesa pa rin at nakatingin sa amin. Tumango si Ysmael at ngumiti si Lawrence naman ay nakatingin lang.

Nakita ko din sina Ms. Sarah at Oliver na nasa dance floor pa rin at nagsasayaw. They are so close and whispering to each other. Nakabaling ang mukha ni Ms. Sarah sa pwesto namin i don't know kung nakikita niya ba kami ngayon ni Heaven na nagsasayaw.

"Leia?"

Napatingin ako kay Heaven at mabilis na nag-connect ang mga mata namin. Nag-init tuloy ang magkabila kong pisngi.

"Ba-bakit?"

Ngumiti siya. "Ang galing mo."

Yan! Talagang nagblush na ako.

"Sa-salamat."

Natawa siya ng walang sound. "Bakit nauutal ka na naman?"

Umiwas ako ng tingin. "Kinakabahan ako."

"Parang hindi ko naman nakita na kinakabahan ka kanina habang tumutugtog."

Napahinga ako ng malalim. "Hi-hindi yun."

"Hindi?" Ipinilig niya ang kanyang ulo at pinilit hulihin ang tingin ko.

Nangangapal ang mukha ko sa pamumula.

"Bakit ka kinakabahan?" Nagpatuloy siya sa pagtitig sa akin.

"A-ano -- ano." Ipiniling ko ang mukha ko paiwas. "Wag mo kong titigan."

Bigla niya akong hinapit ng papalapit sa baywang. Nagkadikit na kami ng katawan. Ihinilig niya ang pisngi sa gilid ng ulo ko. Ako naman ay napasandal ng noo sa kanyang balikat.

Kikilabutan na ako sa nangyayari. Para kaming hindi nagsasayaw kundi magkayakap na lamang. Kainis!

"Heaven?" Napakurap ako ng mga mata.

"Tell me. Do i make you nervous?"

Mahina akong tumango.

Mas kinakabahan pa talaga ako ngayong magkadikit kami kesa kaninang tumutugtog ako sa harap ng maraming guests. Mga guests na hindi ko naman kilala. Napakabilis ng pintig ng puso ko. Triple pa ito sa normal.

"Kinakabahan din ako."

Natigilan ako saglit. Bahadya akong umatras para matignan siya sa mukha. Muling nagtama ang aming mga tingin.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon