Page 67
"I love you,"
[Leia]
TANGHALI NA nang bumangon ako mula sa higaan. Tamad na tamad ako at masakit ang ulo. Siguro dahil ang dami naming bahay na pinapyestahan ni Yumi. Kulang na lang ay malibot namin pati kasulok-sulukan ng bayan.
Haist.
Ang ending ko..... masakit na katawan.
"Hello?" Bungad ko sa phone nang magring iyon ng ilang beses. Si Yumi yung tumatawag.
"Haist. Mabuti naman at sumagot ka na. Kanina pa ko tumatawag ah." Halata sa tono niya ang pagka-concern. Nakakatuwa naman.
"Sorry. Kagigising ko lang, actually." Humikab ako nang mahaba.
"Ah, mabuti naman kung ganun. Kasi malamang na malapit na dyan si Vann. Kanina ka pa niya hina-hunting."
"Hah?!" Nabigla naman ako.
"Oo. Hinahanap ka niya kaya papunta na siya dyan."
Napasapo ako sa nananakit ko pang ulo. "Bakit naman daw?"
"Ewan. Nalaman niya kasi na naghahanda ka na para umalis bukas. Ayun. Nagmamadaling umalis."
Ano kayang nangyari dun?
"Magpaalam ka ng maayos sa kanya at ng hindi masiraan ng bait." Humalakhak ng mahina sa kabilang linya si Yumi.
Napangiwi ako. "Ang OA mo talagang mag-isip."
"Hindi nga." Aniya. "Mukhang may balak ng magconfess sa'yo yun eh."
Nasamid ako bigla at nawala na ng tuluyan ang antok ko sa tinurang iyon ni Yumi. Saang lupalop naman ng bansa nanggaling ang ideyang iyon?!
"Hala! Ikaw ng bahala dyan. Goodluck sa'yo. Bye." Aniya sabay end niya nang call.
Naiwan naman akong tulala sa hangin after.
So.... what is that?
Napakamot ako nang batok.
Ang OA talagang mag-isip ni Yumi kahit kelan. Hinahanap lang, confess agad? Sandali.... bakit nga ba ko hahanapin ni Vann? May utang ba ko sa kanya?
Napaisip ako ng malalim pero wala akong maalala.
After nang confrontation namin kahapon ay hindi ko na siya kinausap at ganun din naman siya. Siguro nag papakiramdaman din lang kami sa kung sino ang unang magso-sorry. Pero nag-sorry na naman ako sa kanya ah. At sinabi ko nang hindi na ko makekealam sa kanya.
Nagkibit balikat ako. Kung mahalaga ang sasabihin niya, maaari ko naman siyang pakinggan.
Naghanda na lang ako ng makakain. Noodles na lang ang nakaya kong lutuin then tubig at maraming tubig.
Lumipas pa ang ilang oras ay nakarinig na ako ng katok sa may pinto. For sure si Vann na ito.
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa pinto at pinagbuksan kung sino man iyong naroon. Hindi naman ako nagkamali. Si Vann nga.
"Vann?" Mataman ko siyang tinitigan pagka-open ko nang pinto.
"You're here." manghang wika niya. Huminga siya nang malalim pagkatapos.
Umarko ang mga kilay ko. "Bakit?"
"Nagpunta na ako dito kanina at katok ako ng katok pero walang sumasagot." Pinagsalubungan niya ako ng mga kilay.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...